1.3

21 3 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami ni Quinn patungo sa sasakyan.

Kahit na sinabi ni papa na mag pasundo ako kay kuya ay hindi pwede ngayon. Dala ko kasi ang kotse. Pero sa susunod ay mag papasundo ako.

Marunong naman ako magmaneho pero siguro ay dahil sa car accident ay mas gusto ni papa na magpasundo ako.

Binuksan ko ang pintuan at nagpaalam.

"Una na ko Quinn, ingat ka."

"Sure, ingat ka din" paalam din niya.

Habang nagmamaneho ay bigla nalang tumigil ang sasakyan ko.

Napabugtong hininga ako. Nasiraan pa yata ako.

Lumabas ako para i-check at napag-alaman kong nasiraan nga ako.

Pano ako uuwi?

Tumingin ako sa paligid at nasaktuhan lang wala ng masyadong tao.

Tatawagan ko na sana si kuya ng may tumigil na kotse sa aking tapat.

"Ayos ka lang miss? Nasiraan ka?" nanlaki ang mata ko ng makilala sya. Sya yun nakabunggo ko kanina.

Hay salamat.

"Oo eh" sagot ko.

Bumaba sya sa sasakyan nya at lumapit sa sasakyan ko.

May ginawa pa sya rito at ni check.

"Paganahin mo nga" aniya na sinunod ko.

"Oh my gosh!" Halos mapatalon ako sa tuwa ng gumana ito.

Bumaba ako sa sasakyan at lumapit sakanya. "Salamat. Buti ay nakita mo ako. Muntik pa akong hindi makauwi" tumawa ako.

"Wala yun. Bawi ko narin para sa kanina"

"What's your name?" Tanong ko.

"Blake" aniya.

"Thank you, Blake. Sa susunod talaga ililibre kita. Sayang at wala kasing kainan dito"

"Gagi okay lang. Hindi na kailangan"

"Salamat talaga" ngumiti ako. Tumango sya at nag paalam.

Pinanood ko ang pag-alis ng kanyang sasakyan bago ako pumasok.

Ilang minuto ang byahe pauwi at pag baba ko ay si ate Amara ang bumungad sa akin.

"Puntahan mo si kuya Sancho dun. Magpapakamatay yata." Salubong nya.

Kumunot ang noo ko sa narinig.

"Bakit? Anong nangyari" nag aalalang sabi ko.

"Ewan ko. Ikaw ang kumausap. Pag nagalit sayo ay mag sumbong ka sakin."

Tumango ako.

Pinuntahan ko kaagad si Liam. Nakita ko itong natutulog kaya pumunta naman ako kay kuya.

Kumatok ako sa pintuan.

"Kuya ako 'to" sabi ko.

Bumukas ang pintuan at nakita ko si kuya na nakasimangot.

"Anong problema mo kuya? Sabi ni ate mag papakamatay ka raw? Ito oh." abot ko sakanya ng kutsilyo na kinuha ko kanina sa kusina.

Bigla syang napaatras. Kita ko ang pag kawala ng dugo sa mukha nya. "Si Amara? Bakit kaba naniniwala ron? Para naman tong ano." Aniya na ilag na ilag sa kutsilyo.

Nagkibit balikat nalang ako at tinago ulit ang kutsilyo.

"Abby tulungan mo naman ako. Umamin kasi ako kay Quinn na gusto ko sya" nakangusong aniya.

"Tapos?" Kunot noo ko siyang tinignan.

"Inirapan nya lang ako" nguso nya.

Di ko mapigilang matawa.

"Bakit ka natatawa?" kunot noo nyang tanong.

Umiling ako sakanya.

Buti nga sakanya. Wala talaga syang oag asa kay Quinn.

"Anong gusto mong gawin ko" pigil tawang sabi ko.

"Sira yung sasakyan mo diba? Ako nalang mag hahatid sayo araw araw"

Umiling ako.

"Ayoko nga. Edi sobrang pabor yun sayo, pano naman ako"

"Edi ako na mag babayad ng pagpapagawa ng sasakyan mo basta ilakad ko mo kay Quinn" aniya

Ngumisi ako. Yes makakatipid ako.

"Deal" nakangising sabi ako.

_____________

Sandali pa ay nasa school na kami. Agad akong bumaba at lumingon kay kuya.

"Una na ko, bye." ngumiti ako sa kanya ng napakalapad.

"Yung kay Quinn ah. Sige, bye" tumalikod sya sakin at nauna ng umalis.

"Abby nandyan kana pala. Nakita mo ba si Quinn?" Tanong ni Ady.

"Magaling ka na?" Hinawakan ko pa ang noo at leeg nya.

"Sayang nga at hindi ako nakapasok eh"

"May notes kami dyan. Nakay Quinn ang iba eh"

Iginala ko ang mata ko. Nasan si Quinn?

Bigla kong nalala si kuya. Edi sila na.

Umupo nalang ako sa tabi ni Ady. Sana di ka sagutin ni Quinn, kuya.

_______

Dumeretso ako patungo ng kwarto pag kauwi. Nahiga ako at ipinikit ang mata. Sinubukan kong matulog pero di talaga ako dapuan nito.

Bumugtong hininga ako at tumayo. Lumampit ako sa music box ko. Binuksan ko ito at ngayon ay limulikha na ng musika.

Umupo uli ako sa kama. Pumikit ako at dinama ang bawat musikang inilalabas ng music box.

Akala ko ay mawawala na sya sa isip ko nitong mga nakaraang araw pero hindi.

Kahit anong gawin ko ay iniisip ko parin si Fionah. Ang mga sinabi nya sa akin.

Bawat musikang nililikha nito ay sya rin pag bigat ng aking katawan.

Dumilat ako at sumalubong sakin ang nakangising si Fionah.

Hindi ako natakot dahil inaasahan ko na ito. Gusto kong mag tanong. Gusto kong masagot ang mga iniisip ko.

Nakangisi ito at mabagal na umiikot tila ba ay isang ballerina. Sinasabayan nito ang musikang galing sa aking music box.

Ilang sigundo pa ang nagtagal bago ko ako nag lakas ng loob.

"Ako ba? Ako ba ang sinasabi mong babae?" Pikit pata kong tanong.

Ilang sigundo ay wala akong narinig. Minulat ko ang mata ko.

Nakita ko ito na nakatayo nalamang. nakakatakot parin ang ngisi sa kanyang labi. Tumagilid ang kanyang ulo at mas lumapad ang kanyang pagkakangisi.

Nagsisituluan ang aking mga luha dahil sa takot. Gusto kong sumigaw ngunit walang isang salita ang lumabas sa aking bibig.

Mas tumagilid pa ang kanyang ulo at mas ngumisi pa na abot na hanggang tenga. Gumalaw ang kanyang katawan na parang nababalian at tumatangkad ito paunti unti.

Natatakot ako. Mas nag situluan ang aking luha. Wala akong magawa.

Nanlilisik na ang kanyang mata. Mabilis itong tumakbo patungo sa akin.

Mabilis at maingay itong tumatakbo patungo sakin. Nanginginig ang aking buong katawan. Pumikit ako nang maramdaman ang kanyang mainit na kamay sa aking leeg.

"Kill them" huling salitang narinig ko bago tuluyang magdilim ang aking paningin.

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon