Isang linggo na ang nakalipas at laking pasalamat namin na wala ng nangyayaring masama. Mas hinigpitan kasi si Ms Janine ang pag babantay samin at sabi nya ay bantayan lagi ang isat isa.
Maaga akong pumasok sa school. Nang makarating ay nag lakad lakad muna ako dahil maaga pa naman.
Napatigil ako ng may marinig. Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng ingay.
"Bakit?" hindi ko naman sya kilala. Baka naman iba ang tinatawag nya?
Tumayo sya at bahagyang Tumagilid ang kanyang ulo.
"Ikaw ba si Abby ng section 1?" Tanong nya.
Tumango naman ako. "Ako nga"
May inabot sya saking folder.
"Sabi ay sayo raw ito ipasa"
Tumango naman ako. Bahagya ko itong binuksan at nakita ko ang pangalan nya.
Ryker Nixon.
Tumalikod ito sakin at naglakad.
______
Dahil nasira ang sasakyan ay naisipan ko nalang maglakad. Malapit narin naman sa school nung nasiraan kaya okay lang.
Medyo madilim sa dinadaan ko. Habang naglalakad may nararamdaman akong sumusunod. Alam kong gwapo ako pero ayoko ng ganito. Kinabahahan ako rito eh, madilim pa naman.
Binilisan ko ang paglalakad nang di sya nakahabol at nagtago. Hinintay ko syang makarating at mukang may hinahanap. ito na kaya yung sumusunod sakin?
Naka jacket ito at nakatalikod. Ginawa ko itong pagkakataon para makita ang mukha nya.
Fatima? Anong ginagawa nya dito.
"U-uyy ikaw pala Gray"
Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa buo nyang katawan at huminto sa kanyang braso. Nang malaman nya na nakatingin ako dito ay mas itinago nya ito sa kanyang likod.
"Ano yan?"
"A-ahh wala to. Sige alis na ko." Weirdo. Umiling nalamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Yung mga nakaraang araw ay napapansin ko rin ito na panay tingin kay Abby. Bakit tila ay takot na takot sya?Weirdo talaga.
____________
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Ryker ay dumeretsyo ako sa library. Nanlalamig ako kapag naaalala ko yung insidenteng nangyari dito. Bumugtong hininga nalang ako at nagtungo dito. Gusto ko sanang mag basa ng paborito kong libro pero masyado nang madilim sa bandang yun.
Imbis na kunin pa ito iba nalang ang kukunin ko. Pumunta ako dito at okay naman. Medyo madilim lang di tulad sa nauna.
kinuha ko ang gusto kong libro at agad itong inabot. Nagulat nalamang ako at natuptop sa aking kinatatayuan ng makita ang babae sa kabilang side ng aklatan. Nakatingin ito sakin at malapad ang pagkakangiti.
Nanginginig at napaatras ako. Ipinikit ko ang mata ko at umaasang wala na ito. Pinatagal ko ng ilang segundo bago uli imulat ang mata. Laking pasasalamat na wala an ito. Nakahinga ako ng maluwag.
umayos ako ng pagkakatayo at handa ng umalis. At sa pagtalikod ko ay nakita ko muli ito na sobrang lapit lang sakin. Malapad parin ang pagkakangiti. Itinaas nito ang kanyang kamay at para bang may itinuturo.
Sinundan ko ito ng tingin. Nakaturo ito sa labas. Nilakasan ko ang loob at tumingin ulit sa babae. Binaba na nito ang kamay nya at naglakad. Para bang sinasabi nito na sundan ko sya.
BINABASA MO ANG
When My Nightmare Become Reality
TerrorIn a town where a young girl named Averill lives, she finds herself hunted by her dreams. Keeps waking up from nightmares, not knowing what they mean. Night after night, awakens in a cold sweat, convincing herself that it was all just a dream. Feeli...