"Abby, anong ginagawa mo dyan?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si kuya na nagtatakang nakatingin sakin."A-ahh wala po kuya may iniisip lang po ako tungkol sa school" sagot ko.
"Okay, pwede mo bang bantayan muna si Liam? May sakit kasi sya. May naiwan kasi ako sa school, kukunin ko lang" aniya.
"Napainom ko narin sya ng gamot kaya wala kanang dapat ipag alala" dugtong pa nya.
"Okay po kuya" sagot ko.
Tumango lang sya at lumabas na.
Naglakad na ako at dumeretso na sa kwarto ni Liam.
Nakita ko itong nakatulala habang nakaupo sa kanyang kama.
"Hello Liam, kamusta ka na? May gusto ka ba?" tanong ko rito.
Tumitig lamang ito sakin at umiling.
"Bakit hindi ka pa mahiga at magpahinga? Gusto mo ba ng tabihan ka ni ate?" nakangiti kong tanong.
Bahagya itong ngumiti at ilang beses tumango.
"Sige, matulog kana dito lang si ate" nakangiti ko paring sabi.
Tumango lamang ito. Humiga na sya at pumikit.
Naupo lamang ako sa tabi nya at pinag mamasdan itong unti unti ng ilalamon ng antok.
Ilang minuto na ang nagtagal ng naisipang kong tumayo. Tinignan ko si Liam na mahimbing nang natutulog.
Nagtungo ako sa pintuan at handa ng lumabas ng bigkang magsalita si Liam.
"Ate Abby, there's someone behind you." nangunot ang aking noo sa sinabi ni Liam.
Dahil sa pagtataka tumingin ako sa aking likuran pero wala naman akong nakita. Nagkibit balikat nalang ako dahil baka nag sli-sleep talk lang sya.
Lumabas na ako at nag dumeretso sa aking silid. Inilalapag ko ang mga gamit sa kama ko ng naisipang kong maligo muna bago bumalik sa kwarto ni Liam.
Dumeretso ako patungong banyo at isa isag tinanggal ang saplot sa katawan.
Binuksan ko ang gripo at hinintay na mapuno ang bathtub. Nang mapuno ito ay pinatay ko ang gripo at nilagyan ito ng liquid bath soap. Pinabula ko ito at ng makuha ang gustong dami ng bula ay lumusong na ako. Pumikit ako at dinama ang tubig sa aking katawan.
Ilang minuto ang nagtagal bago ko naramdaman na hindi ako makahinga. Naramdaman kong mas lalo akong lumulubog sa ilalim ng tubig.
Sinubukan kong gumalaw para makaahon ngunit hindi ko magawa. Nawawalan na ko ng hangin sa katawan.
Mas nilakasan ko pa ang aking paggalaw para makaahon.
bahagya akong naka-ahon nang makita ko ang nanlilisik na mga mata ni Liam na pilit akong inilulubog sa tubig.
Nakita ko rin ang isang babaeng nasa tabi niya. Nakatingin ito sa akin at malapad ang pagkakangiti hanggang sa lumubog ulit ako sa tubig.
Napasigaw ako ng may maramdamang paghapdi sa aking kanang braso. Sigaw ako ng sigaw sa ilalim ng tubig nang mas humapdi ang aking kanang braso.
Ilang sigundo pa ang nagtagal ay nawawalan na ako ng hininga. Bumibigat narin ang aking talukap at humihina ang aking paggalaw.
Maya-maya ay Naramdaman ko ang aking pag-ahon sa tubig. Humihingal ako habang ginagala ang aking paningin hinahanap si Liam at ang babae ngunit wala akong nakita.
Nagmadali akong nagtapis ng katawan at lumabas sa banyo. Nagmadali rin akong mag bihis at agad natungo sa kwarto ni Liam.
Pabukas ko ng pinto nakita ko sya na mahimbing na natutulog.
Nanginginig ang aking katawan sa nakita. P-panong.. Si Liam yung nakita ko kanina.
Tinignan ko rin ang aking kanang braso ng maalala ko ang paghapdi nito kanina. Wala naman akong nakitang sugat o ano.
Humiga ako sa tabi ni Liam at hinawakan siya sa ulo. Marahan ko itong hinahaplos hanggang sa tuluyan na kong makatulog.
__________
BINABASA MO ANG
When My Nightmare Become Reality
HorrorIn a town where a young girl named Averill lives, she finds herself hunted by her dreams. Keeps waking up from nightmares, not knowing what they mean. Night after night, awakens in a cold sweat, convincing herself that it was all just a dream. Feeli...