0.6

26 3 0
                                    


"Wag po"

"T-tulungan nyo po ako"

"Tama na po"

"W-wag po"

Umuulan. Takbo lang ako nang takbo.

N-nasaan ako? Nanaginip nanaman ba ako?

"Tulong po"

"Tulungan nyo po ako"

Hinahanap ko kung saan galing ang sigaw pero di ko ito mahanap.

Nasaan ako?

"Abby! Abby!" rinig kong sigaw ng kung sino.

"Abby! Abby, tulungan mo ko, papatayin nila ako. Abby!" sigaw nito.

Nanginginig akong napatakip sa aking tenga.

Tama na!

"Abby, Abby. Papatayin nila ako, Abby." paulit-ulit na aniya.

Pumikit ako ng mariin. Kailangan kong malaman kung saan yun nanggagaling.

"Abby!"

Lakad takbo ako para lang matunton kung saan ito nanggagaling.

"Tulungan nyo po ako"

"Tulong"

"Abby!"

Takbo lang ako ng takbo. Madilim at puro puno lang ang nakikita ko. Nasan na sya?

"Fionah" sigaw ng boses lalaki.

Fionah? Sino si Fionah?

Luminga ako sa paligid pero wala akong nakitang kung sino.

Sino sila?

"M-may tao ba dyan?!" sigaw ko.

Gusto kong bumalik para makita kung may tao doon ng biglang nanlamig ang buong katawan ko.

"A-Abby, paparating na sila. Takbo" ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko sa narinig ko.

Kasalukuyang nasa harap ko ang babaeng nagpapakita sa akin.

Basang basa ito at halos naliligo na ito sa sarili nyang dugo.

"S-sino-sinong sila?"

Makademonyo itong ngumiti. Itinaas nya ang kanyang kamay at may itinuro.

Tinignan ko ang tinuro nya ng may makita akong ilang lalaki hindi kalayuan saamin.

Napaatras ako ng makitang may dala silang baril.

"S-sino yan?!" sigaw ko.

napaatras ako ng sabay sabay silang napalingon sa gawi namin.

"Takbo Abby, papatayin ka rin nila, Abby,takbo!" tumatawang sabi ng babae.

Kahit may kalayuan ay kita ko ang malademonyong ngiti ng ilang kalalakihan.

Mabilis at patakbo silang tumakbo patungo sa akin.

Takot at kabado akong tumakbo papaalis. Humanap ako ng pagtataguan pero wala akong makita. Nanginginig ako sa takot sa kadahilanang baka patayin nga nila ako.

"Abby" napatalon ako sa gulat ng bigla nalang sumulpot kung saan ang babaeng kanina.

Itinapat nito ang kanyang hintuturo sa kanyang labi, sensyales na huwag akong gumawa ng ingay.

Hinawakan nya ang kamay ko. Malamig, hindi ko maipaliwanag na lamig ng sandaling hawakan nya ang kamay ko.

Tumakbo kami sa hindi ko alam na dereksyon. Dinala nya ako sa isang malaking puno. Napapalibutan ito ng mga damo.

Bumitaw sa akin ang babae at nagtago dito.Wala na akong nagawa, tumabi ako sakanya at nag tago narin.

Ilang minuto ang itinagal namin doon ng narinig ko ang pag tawa ng babae.

Nilingon ko ito at nakita ko itong nakatingin sa akin.

H-hindi kaya---

"Fionah" nagulat ako ng biglang sumigaw ang isa sa mga lalaki.

Hinawakan ako nito at sapilitang isinama sakanila.

"H-hindi ako si fionah!" pag pupumiglas ko.

"Manahimik ka! Alam mo ba kung gaano mo kami pinahirapan?!" sigaw nito at malakas akong sinampal.

"Oy, tama na yan. Mamaya nalang natin patayin yan, mag pakasaya muna tayo" sabi ng isang lalaki.

Ginawa kong makawala ng kagatin ko ang brasong nakatakip sa bibig ko.

Napasigaw ito sa sakit. "Letse! habulin nyo yun!"

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung nasaan na sila basta tumakbo nalang ako.

"Abby, papatayin nila tayo. Abby. Abby!" napatakip ako sa tenga ko ng marinig nanaman ang boses.

"Fionah!"

"Tinatawag ka na nila" aniya. Natigilan ako. Imposible.

"Malapit na sila, malapit kanang mamatay" nakangiting sambit nya.

"Gusto mo bang sumama sakin?" tawa pa nito.

Tumakbo ulit ako ng tumakbo pero parang walang hangganan ang pinag tatakbuhan ko.

Sobrang dilim, nakakatakot. Magisa ako pero ramdam kong nasa tabi ko lang sila.

Nakatingin sakin. Papatayin nila ako.

Habang tumatakbo ako ay may biglang humarang sakin.

"San ka pupunta Fionah" sabi ng lalaki.

H-huh ginala ko ang aking mga mata hinahanap kung nasan si Fionah.

Nasan si Fionah?

"Bakit ka tumatakbo Fionah?" ngumisi ang lalaki sabay lapit sakin.

H-huh?

"Bakit ka tumatakbo" sabi nya uli sabay hawak sa aking pisngi.

Natuptop ako sa aking kinatatayuan. Tinignan ko ang mga lalaking humarang sakin na may bilang na lima.

Anong gagawin nila?

"Wag kang matakot Fionah" hindi ako si Fionah.

Hindi ako si Fionah...

Tinignan ko ang aking braso, puro ito pasa at sugat.

"Wag kang matakot Fionah" ulit nya. Tumakbo ulit ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang ilog.

Lumapit ako dito para makita ang aking sarili. Ganon nalamang nanlaki at nanlamig ang aking buong katawan ng nakita ko sa repleksyon ng tubig ang babaeng laging nagpaparamdam sakin.

H-hindi.....

"Fionah sabi ko naman sayo na wag kang tumakbo" sabi ng lalaki.

Umatras ako ng umatras. I-ibig sabihin ako ang tinatawag nilang Fionah?

Pero hindi ako si Fionah.

"Wag kanang tumakbo,masyado mo kaming pinapagod" tumatawang sabi ng isa pang lalaki.

Lumapit ang lalaki sa akin at may itinurok ito sa aking leeg. Bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

Ngunit bago ko pa man maisarado ang aking mga mata nakita ko si Fionah na nakatingin at nakangiti saakin.

Sino ka ba talaga?

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon