2.5

12 3 0
                                    

Ayaw ko naman talaga.

Pero kailangan.

Sobrang sakit. Bakit sila pa? Hindi ko matanggap. Paano niya nagawa saakin ito?

Napahawak ako sa dibdib ko. Halong galit at sakit ang nararamdaman ko.

Gusto ko silang mawala.

Gusto ko silang mamatay.

Tumingin ako sa mga matang nakasulyap saakin.

Ngumisi ako sakanya.

Pagkatapos naming magusap ay naglakad na ako pabalik ng classroom.

Nakapag desisyon na ako.

Kailangan nilang mag bayad.

Habang nag lalakad ay Nakasalubong ko pa si Fatima at Blake.

That couple. Napailing ako.

Napatingin sakin si Blake at muling nakipag usap kay Fatima.

Planado ang lahat. Walang makakaalam. Hindi to papalpak.

Maraming kalalakihan na humahabol sakanila.

"Anong ginagawa nyo?" may matandang lalaki ang tutulong sana.

Kumunot ang noo ko.

Walang makakaalam.

Agad kong kinuha ang baril ng kasama bago ko ito iputok sa matanda. Nakita ko ang pag bagsak nito sa lupa.

"Kunin nyo yun!" Utos ko sa kasama na agad naman nilang sinunod.

Nanginginig kong tinignan ang matanda.

Nakapatay ako.

Huminga ako ng maluwag at pumikit. Papatay rin naman kami ngayon kaya wala akong dapat na maramdaman.

Sagabal lamang sya kaya dapat siyang mamatay.

"Halika na!" Tumango ako.

Dinala namin si ang dalawang babae sa liblib na lugar.

Gani na kaya wala ng makakarinig.

Galit ako. Galit na galit ako.

Kinapa ko ang bulsa ko at inilabas ang sigarilyo. Sinindihan ko ito.

Binuga ko ang usok at pumikit.

Maya lang ay dumilat ako at tumawa.

Tumingin sakin ang nanghihinang si Fionah. "T-tulungan mo ako. Parang awa mo na" punong puno ito ng dugo.

Iyak sya ng iyak. Umirap ako at bumuga ng usok.

"Tapusin nyo na yan" utos ko.

Hinila sila ng mga kasama ko pero malakas talaga ang loob nitong babae.

Nagawang makatakbo ulit ni Fionah kaya wala kaming choice kundi habulin sya.

Kinuha nya rin ang kasama niya pang babae.

Mga sakit sa ulo.

Napakamot ako sa ulo ko sa inis. "Habulin nyo yun, dali!"

"Bakit kayo tumatakbo?" natatawang sabi ni Aaron.

Naabutan namin si Fionah na nasatabi ng ilog.

"Nasaan yun isa?!" Sigaw ko.

"Hinahanap na nila Christopher" sagot ni Hanz.

"Tama na" nagmamakaawa si Fionah na tigilan na ito pero hindi namin sya pinakinggan.

Hinawakan ko ang mukha niya. Napasigaw sya sa sakit ng idikit ko ang sigarilyo ko sa mukha niya.

Binugahan ko rin siya ng usok.

Maya lang ay nakita narin ang baabeng kasama niya.

"Huwag po! Fionah! Maawa po kayo!" Sigaw niya.

Naririndi ako sa ingay niya kaya kinasa ko ang baril.

Napatigil siya sa pag sisigaw niya pero patuloy parin ang pag iyak.

Pinaupo rin ito sa lapag kaharap ni Fionah.

May lumapit sakanilang isang lalaki at may itinurok sa kanyang leeg.

Unti unti silang nawawalan ng malay.

Nang matapos ay basta nalamang nila itong inihagis sa ilog.

They deserve it. They hurt me.

Ilang minuto ang itinagal bago sila nagsialisan.

"Walang makakaalam nito. Sabit na rito ang mga pangalan nyo"

Tumango sila.

"Mauna na kayo. May yoyosi pa ko" Tumango naman sya.

Pinanuod kong mawala sila sa aking paningin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Wala akong maramdaman kahit awa.

Bagay lang sakanila yun.

Dapat silang mamatay.

_________

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon