Hanggang ngayon ay iniisip ako ang lahat ng sinabi sakin ni Fionah.
I'm confused, what does she really need? why me? Bakit sa dinami ng tao bakit ako pa?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Kasi paanong hindi nya kailangan ng tulong?
Hindi ko maiwasang isipin na may kinalaman ba ako sa nangyayari? O hindi kaya ay ang aksidente ko?
Kasi kahit lokohin ko pa ang sarili ko. Alam kong kaming dalawa lang ni Fionah ang nakita ko sa panaginip ko.
Kaso ay wala akong maalala. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Habang naglalakad ako bigla akong bumaksak sa sahig. May nakabunggo.
Sa inis ko at pag ka badtrip nasigawan ko ito.
"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo" inis kong sabi.
Nawala tuloy ako sa iniisip ko. Marahas akong tumingin sa nakabunggo.
"Sorry" tumingin sya sakin. Nag kalat ang libro nya sa sahig kaya dali nya itong pinulot.
Kumunot ang noo ko.
"S-sorry talaga, hindi kasi ako tumitingin sa d-dinadaanan ko." nahihiyang sabi nya. Kumamot pa ito sa batok nya.
Medyo na guilty ako dahil pati rin naman ako ay hindi rin natingin sa dinaanan.
Huminga ako ng malalim at tumango.
"Okay lang, sorry din at madami lang kasi akong iniisip" ngumiti ako.
Pinagmasdan ko sya. Maputla sya at may mapupungay na mata. Mapula rin ang labi nya. Nakababa at parang sobrang lambot ng itim na buhok nya. Marami rin itong dalang libro.
Nakatingin lamang ito saakin. Tumingin ako sa orasan ko at malapit ng mag simula ang klase.
"Sige una na ko. Sorry ulit at nasigawan kita" paalam ko.
Mag lalakad na sana ako ng may sabihin sya.
"S-sorry din. Sorry talaga."
Natawa ako. "okay. Sorry din."
Nahihiyang nagiwas sya ng tingin.
Tumango ako sakanya. "Una na ko"
Ngumiti lang sya sakin.
Nag lakad ako patungo sa locker. Kinuha ko ang mga gagamiting libro ng may tumawag sa cellphone ko.
Si papa. Agad ko itong sinagot at tinapat sa aking tenga.
"Hello po?"
"Hello, Abby." Si papa.
"Napatawag po kayo?"
"Na sa school ka?" Tanong nya sa kabilang linya.
"Uhh yes papa, bakit po?"
"Mawawala kami ni tita Yuri mo ng isang linggo for bussines trip. Nasabihan ko naman na ang kuya at ate mo. Kayo muna ang bahala kay Liam, okay?"
"Mag ingat din kayo. Mag pasundo ka sa kuya mo o kay ate mo" dugtong pa nya.
"Okay papa. Salamat po" Tapos ko sa tawag.
Pagkatapos kong kunin lahat ng mga kailan ko ay dumeretso na ako papauntang room.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad kaagad sakin si Gray na nakasandal sa tabi ng pintuan. Wala itong emosyon na nakatingin sakin.
"Bakit?" Tanong ko. Anong problema nya?
Hindi rin kami nito gaanong nag kakausap dahil medyo tahimik ito. Siguro ay nag aajust palang.
Tumitig lang ito sakin at dumeretso na sa kanyang upuan. Kumunot ang noo ko. Problema nun?
Naupo narin ako sa upuan.
"Girl, hindi daw mamapasok si Ady" si Quinn pagkatapos ibaba ang bag.
Kumunot ang noo ko.
"Huh? Bakit daw?"
"May sakit. Si gaga kasi nag paulan pa, nag kasakit tuloy"
"Ako mag bigay ng notes sa dalawang subjects tas ikaw sa iba ah" sabi ko.
Saaming dalawa kasi ay si Quinn ang maganda ang sulat. Sya rin ang kinokopyahan ni Ady ng notes.
Tumango lang si Quinn at wala ng nagawa.
"Grabe naman, sana magpagaling agad si Ady," Si Quinn,
"Worried ako sa kanya, grabe pa naman yun pag may sakit"
"Tawagan natin mamaya si tita Rei at kumustahin natin sya. Alam naman nating hindi tayo papayagan nun na lumapit kay Ady."
Last time kasi na nagka sakit yun ay nahawa kami. Kaya alam namin na hindi muna kami papalapitin ni Tita.
"Sana mabilis siyang gumaling. Kailangan din niyang magpahinga ng mabuti."
Habang naghihintay sa pagdating ni Ms. Janine, napag-usapan namin ang mga balak na activities para sa weekend. Sinulat din namin yun sa papel para pag balik ni Ady ay hindi sya mahuli
________
BINABASA MO ANG
When My Nightmare Become Reality
HorrorIn a town where a young girl named Averill lives, she finds herself hunted by her dreams. Keeps waking up from nightmares, not knowing what they mean. Night after night, awakens in a cold sweat, convincing herself that it was all just a dream. Feeli...