Nagising ako nang dahil sa paulit ulit na tapik ni kuya sa aking mukha.
"Huy Abby gising na, punta kana sa kwarto mo" Sambit ni kuya habang tinatapik parin ang aking mukha.
Dumilat ako at nakita si kuya. Lumingon ako sa aking tabi at nakita kong natutulog parin si Liam.
"Kuya dito nalang ako please"
Ngumiwi si kuya.
"Bumalik ka na sa kwarto mo at baka mahawa ka pa"
Padabog akong bumangon.
"I'm serious, kuya, I'll just stay here, please," I said again.
"Huwag ng makulit. Mahahawa ka nga. Mamaya hindi ka pa makapasok sa school" umiling sya.
"Kasi kuya, sabi ni Liam may tao raw sa likod ko pero wala naman" natakot ako sa sinabi ko. Naalala nanaman.
My brother burst into laughter. He chuckled.
"Abby, parang ewan. You know Liam is still a kid. Malawak ang imagination" my brother said, shaking his head with a smile.
"B-but I'm telling the truth," I insisted.
Ginulo nya ang buhok ko.
"Go to your room and just sleep it off" my brother said, still smiling.
_________
Maaga akong pumasok at ako lang mag isa so I decided to read for a while. After a few minutes, bumukas ang pinto.
It must be Fatima dahil lagi rin naman tong maagang pumapasok. I turned to greet her but when I looked, Fatima wasn't there, and the door was closed. I searched for anyone who might have entered, but I was the only one in the room.
A chill ran down my spine, but I brushed it off and went back to reading.
Nag sibalikan na sila sa kanilang upuan. Bumukas ang pintuan at sumalubong samin ang naka poker face na si Ms.Janine.
Wala namang bago dun.
"Okay class, wala akong makikita sa table nyo kundi ang papel at ballpen lang. Mag qu-quiz tayo" aniya.
"Luh bigla bigla, di ako nag review eh" reklamo ni Quinn.
"Penge papel" si Ady.
"Lam nyo na ah. Puro C dapat yan"
"Uy sino may papel? Pahingi naman."
"Pahingi naman. Akala ko ba pamilya tayo dito so dapat nag tutulungan? Penge ng papel"
Kinuha ko ang extrang papel ko sa bag para sana bigyan sila ng maunahan ako ng iba.
Napangiwi pa ako ng makitang puro laway pa to dahil daw wala silang gunting.
___________
Ilang minuto na akong nakatingin sa papel ko.
Wala talaga akong maisip.
Tumingin ako sa tabi ko at gaya ko ay nahihirapan din.
"Gaging yan. Ano sagot mo sa 5?" Bulong ni Quinn.
"A" Si ady
"Huh? Gaga anong A? Identification to"
Nag lalaro ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Gagi naiihi na talaga ako.
Hindi pa nakatulong na malakas ang aircon kaya feeling ko maiihi na ako dito.
"Mis-" itataas ko sana ang kamay ko.
Biglang dumilim sa room at nakita ko ang k-klase ko na nakatalikod parin at mga abala sa mga ginagawa.
Paawat na kayo please. Black out na't lahat palong palo parin kakasagot.
Hindi ba sila nadidiliman? Iginala ko ang paningin ko at nakita kong mga abala parin sila sa kanilang ginagawa. Bahala nga sila.
Nang saking pagharap, natuptop nalamang ako sa kinauupuan ko ng makita si Fionah.
Takot man ay pilit kong ikunot ang noo ko."A-anong ginagawa mo dito Fionah?"
Nakayuko lamang siya at nakita ko ang pag galaw ng kanyang balikat. Umiiyak sya.
"Abby umalis na tayo dito, a-ayoko na dito please umalis na t-tayo" nagmamakaawa aniya.
H-huh? Ano bang sinasabi nya? Bakit ako aalis?
"bakit? Fionah, bakit ko kailangan umalis? Saan ako pupunta?" nagtatakang tanong ko. Pilit na nilalabanan ang matinding pagkatakot.
Nagangat sya ng tingin. Nakita ko ang pag paplit ng kanyang ekspresyon. Malapad na ang ngiti nya sakin ngayon.
"Sa impyerno" nakangiti nyang sabi sa akin.
Nagsitindigan ang balahibo ko sa katawan. Hindi ako makagalaw.
"Sasama kaba?" dugtong pa nya.
"A-ayoko, Fionah. Kung gusto mo ng tulong, huwag ako. Hindi kita matutulungan" nanginginig kong sabi.
Tumawa lamang sya at sabing.
"Sinabi ko bang ako?" napakunot ang noo ko.
A-ano? Kung di nya kailangan ng tulong, sino ang may kailangan ng tulong? At bakit sa tuwing nag papakita sya sakin humihingi sya ng tulong?
Tumayo sya at lumapit sakin."tandaan mo Averill hindi lang ako ang babae sa panaginip mo" Nakangiting aniya.
Kung ganon s-sino ang isa?
"Mag handa ka, baka di mo namamalayan, isang araw patay kana"
Mariin akong pumikit at nang sa pag bukas ng aking mga mata wala na sya.
Nakatalikod parin sila at mga abala parin sa kanilang ginagawa.
Parang nakalimutan ko na naiihi ako. Anong ibig nyang sabihin?
Hindi nya kailangan ng tulong?
"Abby, huy" naramdaman ko nalang ang pag uga sa aking braso at nang magmulat ako ng mata ay bumalik na ito sa normal.
"Gaga ka, nasaan na ang papel mo?" Pass na daw.
Dahil sa sinabi ni Ady ay tinignan ko ang papel ko. Ni wala itong sagot. Napabugtong hininga nalang ako bago ko ito ipasa.
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Ady.
Marahan akong tumango. Iginala ko ang aking mata at nakita kong may mga sariling mundo na sila.
"Sorry may iniisip lang" sinubukan kong ngumiti sakanila para di na sya mag alala.
"Girl, bulong ako ng bulong ng sagot, kala ko pa naman sinusulat mo" si Quinn.
Yung nangyari kanina. Ano ang ibig sabihin nun?
Sinabi sakin ni Fionah na di nya kailangan ng tulong ko. Sno ba ang may kailangan ng tulong?
Ang isang babae kaya sa aking panaginip? Pero pano, sino sya?
__________
BINABASA MO ANG
When My Nightmare Become Reality
HorrorIn a town where a young girl named Averill lives, she finds herself hunted by her dreams. Keeps waking up from nightmares, not knowing what they mean. Night after night, awakens in a cold sweat, convincing herself that it was all just a dream. Feeli...