1.5

20 3 0
                                    

Magtatapos na ang isang linggo. Ibig sabihin ay uuwi na sila papa.

Hanggang ngayon ay di parin mawala sa aking isipan ang lahat ng nangyari.

Usapan sa school na kaya raw nagpakamatay si Celine dahil malandi ito. Buntis daw kaya nagawa yun. Pero lara sakin ay mabait sya. Wala syang problema sa pagaaral dahil matalino naman sya. Sa pamilya? Wala rin. Sabi nila ay okay naman sila ng pamilya nya. Pero ano ang problema at bakit sya nagpakamatay? Sa mga kaibigan?

Napatalon ako sa gulat ng may narinig na malakas na putok. Baril? Agad akong lumingon sa paligid at nakita ko ang nagtatakbuhang istudyante at mga guro. Sinundan ko kung saan sila patungo. Patungong soccer field?

Napatulala nalamang ako at napatitig sa isang lalaking istudyanteng sabog ang ulo dahil sa pagkakabaril. Gaya ito ng nangyari kay Celine.

Maraming napasigaw at napaluha sa kanilang nasaksihan.

Tinignan ko ang di na makilalang istudyante. Hula ko ay sa ibang section ito dahil sa kanyang kulay ng damit. Iginala ko ang paningin ko sa buo nyang katawan at nagulat sa nakita. Sa kanyang kanang braso ay may hiwa na parang letra "v" katulad ito ng kay Celine. Hindi kaya-agad kong pinilig ang aking ulo.

"Ano bang nangyayari sa mga istudyante?"

"Safe pa ba tayo dito?"

Pero nakakapagtaka. parehas sila ni Celine na may hiwa sa kanang braso. Pagkakataon lamang ba ito?

____

Lumipas ang araw at ngayong araw na ito ang balik nila papa. Naghihintay kami sa airport. Napatingin ako kay ate na nag aayos ng kanyang makeup at kay kuya na nag ce-cellphone. May katext siguro to.

Nilingon ko si Liam na nakatulala sa isang tabi. Pinuntahan ko ito at tinabihan.

"Hi Liam. Nagugutom ka naba?"

Umiling ito sakin na nakatingin parin sa kawalan.

Tumango nalamang ako sakanya. May pagka weirdo talaga tong si Liam.

"Pa" tawag ni kuya. Nandito na sila papa.

"Hi tita, papa"pagbati ni ate.

Lumapit si Liam sa kanila para bumati.

"Welcome home papa, tita Yuri" nakangiti kong pagbati sakanila.

"Thank you. Nag hintay ba kayo ng matagal? Tara at kumain muna tayo"

Kumain muna kami at nag kumustahan bago maisipang umuwi.

"Ang ganda dito no?"

"Oo nga eh. Sana sinama natin si Yua dito"

Kinuha ko yung tinapay sa basket at nilagyan ito ng palaman.

"Gusto mo?" Tumango sya kaya binigay ko sakanya yung una kong ginawa.

"Salamat" marami akong kinain dahil sobrang sarap ng hinanda samin ni manang.

"Mamaya punta tayo sa ilog. Sabi nila ay maganda raw don" tumango ako. Mukhang maganda nga don.

Ngumiti sya at isa isang iniligpit ang kalat namin.

"Bakit nag liligpit ka agad?"

"Pupunta na tayo dun. Gagabi narin kasi oh. Baka wala na tayong makita."aniya.

Tumayo sya at inabot sakin ang kamay nya. Nakangiti ko itong tinanggap.

Sa pagtayo ko ay sumayad sa sahig ang napakahabang dress ko. May design itong paruparo at puting puti.

Napapalibutan din kami ng marami at magagandang bulaklak.

Ang ganda nila.

"Halika na" aniya at hinila na ako.

Sa sobrang tahimik ng lugar ay puro tawanan lamang ang naririnig namin.

Sobrang lakas ng simoy ng hangin. May mga ibon at kuneho.

Bumitaw ako sa pagkakahawak at tumakbo patungo sa kuneho.

Nagsilapitan sila sakin. Inangat ko ang kamay ko para hawakan sila pero bago ko pa magawa yun ay may narinig akong kakaibang tunog.

"Abby, gumising ka na" natigilan ako sa narinig.

Napatingin ako sa kuneho ng bigla itong tumakbo papalayo.

"Abby, gumising ka na" tunog sa hindi ko malaman kung saan.

Nilingon ko ang kasama ko.

"Nanaginip lang ako hindi ba?" sambit ko.

Mula sa napakaamong pag kakangiti ay napalitan ng malademonyong ngisi.

"Hindi mo dapat nalaman." aniya.

Napalingon ako sa paligid at ang dating napakaganda ay unti unting nasisira.

Wala ng paruparo, ibon, at kuneho. Ang paligid na puno ng bulaklak ay ngayon naging itim at puno ng dugo.

"Hindi mo dapat nalaman, Abby. Ayaw mo ba rito?" aniya.

Tumakbo ako papalayo. Kung nasa panaginip ako, kailangan ko ng gumising.

"Abby hindi kana magigising. Dito kana samin. Hindi ba gusto mo dito?"

Tumakbo ako ng tumakbo. Nakita ko pa yung kaninang pinuntahan namin.

Nakita ko ang mga pag kain na nag kalat. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit.

Sa pagmulat ko ay ang kaninang pagkain ay naging puro uod, daga, ipis, at iba pang maruruming hayop.

Napahawak ako sa bibig ko ng maramdaman kong masusuka ako. Napahulod ako sa lupa at sumuka.

Dugo. Sumuka ako ng dugo.

Ipinasok ko ang kamay ko sa bibig ko ng may maramdamang kakaiba dito. Hinila ko ito at dahan-dahang lumabas ang isang napakahabang buhok. Pagkatapos nito ay sumuka ako ng ipis, uod at hiwang mga daga.

Naluluha ako. Ayoko na dito. Ramdam ko ang pamumutla at nanghihina na rin ako.

Tumakbo ako at nakarating sa isang ilog. Lumapit ako rito at hinugasan ang kamay kong puno ng dugo.

Napahawak ako sa tenga ko ng mawalan ako ng pandinig. Sinubukan kong magsalita pero wala akong marinig.

Lumingon ako sa paligid at ng wala akong makita ay bumalik ulit ako sa paghuhugas.

Maya maya ay sobrang lakas na hangin ang tumama sa likod ko. Humanap ako dito at nakita ko ang babae. Itinulak ako nito na naging dahilan ng pagkahulog ko sa ilog.

Sinubukan kong umahon pero hindi ko magawa. Nawawalan na ako ng hininga.

Unti unting nanlalabo ang paningin ko ang tanging nakikita ko nalamang ay ang nakangising si Fionah na pilit na nilulubog ako.

________

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon