1.6

21 3 0
                                    

Nagising ako sa liwanag at puting ilaw na bumungad akin.

"Gising na si Abby" rinig ko.

Naramdaman ko ang luhang tumulo sa mata ko.

May lumapit sa aking nakaputi. Doctor? Bakit may doctor?

May tinutok syang parang flashlight sa mata ko.

Gusto kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Abby, huwag mo munang pilitin ang sarili mo" tita Yuri.

"A-anong nangyari?" nanghihinang tanong ko.

"Nahulog ka kasi sa hagdan, buti yan lang nangyari sayo" si Quinn at tinuro ang paa kong may cast.

Nagising ako sa pagkakaidlip. Natigilan ako ng makitang nasa wheelchair ako.

"Quinn? Ady?" tawag ko. "T-tita Yuri?" pero walang sumasagot.

Sobrang nakakabingi ang katahimikan.

Sobrang lamig at ramdam ko ang tindi ng panginginig. Maya lang ay naramdaman kong unti unting umaandar ang wheelchair ko.

"Dyan ka lang Abby, malapit na tayo"

Dahan-dahan kong nilingon ang likuran ko. Nakita ko ang babae na nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

Ang kamay nyang nakahawak sa wheelchair ko ay naaagnas na.

Naluluha kong tinakpan ang bibig ko. Hindi gustong gumawa ng ingay.

Pabilis ng pabilis ang pagandar nito.

Biglang namatay ang ilaw. Nanginginig ako sa takot. Bumukas din ito at wala na ang babae.

"T-tita Yuri" tawag ko. Wala pa ring sumasagot.

Napalingon ako sa kanan ko ng makarinig ng tunog ng sapatos.

Napahinga ako ng maluwag ng makitang nurse ito.

"Bakit ka nandito Abby? Halika ibabalik kita sa room mo" aniya at itinulak ang wheelchair ko.

Habang tinutulak nya ako ay may napansin akong iba. "N-nurse, hindi naman po to yung daan papunta sa room ko"

Nilingon ko sya at don ko nakita ang malademonyong ngisi nya.

Mabilis nya akong tinulak papasko sa isang room. Punong puno ito ng salamin.

Napalingon ako ng may dumaan.

"Abby" aniya. Napatakip ako sa tenga ko.

Abby" natigilan ako ng makita sya sa harap ng salamin.

Unti unti itong lumalabas sa salamin. Hinawakan ko ang gulong ng wheelchair at pilit na inaatras.

Napasigaw ako ng tumakbo sya papalapit sa akin. Tumumba ako sa wheelchair at napaubo ng sakalin nya ako.

Hinampas ko ng hinampas ang braso nya. Nahihirapan akong makahinga.

"T-tama na!" sigaw ko. Mas lumakas ang pagkakasakal nya sa akin.

Nangingitim at nanlilisik ang mata nya. Ang nakangisi nyang labi ay nanunuyo at nangingitim na rin.

"Tama na! Tama na!" sigaw ko.

"Abby! Abby!" yakap sa akin ni kuya Sancho.

Nilibot ko ang paningin ko at nandito parin ako.

"Ano bang ginagawa mo dito?" aniya.

Tinayo nya ang wheelchair ko at pagkatapos ay binuhat ako.

Binaba nya ako dito at dinala ulit sa kwarto ko.

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon