0.3

23 3 0
                                    


"T-tulong!"

"T-tulungan nyo po ako!"

"Wag po!"

"T-tama na po!"

Nagising ako ng humihingal
Pagtingin ko sa orasan ay saktong 3:00 ng madaling araw.

Napahawak ako sa ulo ko. Nangyari nanaman.

Napalingon ako kung saan ng may narinig akong pagbagsak.

A-ano yun?

Tumayo ako sa aking pinag hihigaan at hinanap kung saan ito nanggaling.

Nakakatakot dahil tanda ko parin ang nangyari ng huli itong nagyari.

I walked closer to it. I saw a small piece of paper, folded, so I opened it.

"Closer" was written on the paper. I noticed it had a bit of blood on it.

Why is this in my room?

I walked out of the room when I saw another piece of paper similar to the first one. I immediately picked it up and read it.

"closer" was written on it. I felt a bit nervous but I continued. I didn't need a light because the moonlight was bright enough.

Hindi ko maiwasang isipin na baka si Liam ang may gawa nito.

Mahilig kasi syang maglaro at mag kalat ng mga kung ano-ano.

"Liam, hindi ako natutuwa. Pag nakita to ni papa, magagalit yun sayo." kunot noong sambit ko.

Walang Liam na sumagot kaya bahagya akong nainis.

Binilisan ko ang pag lakad ko at hinanap si Liam.

Sa aking paglalakad, nakakita ulit ako ng maliit na papel binuksan ko ulit ito at....

" X " may pulang ekis na nakasulat dito.

kung kanina ay puro itim ang panulat. dito sa huling papel ay makulay na para bang masaya ang gumawa nito dahil nadala niya ako rito.

"Liam, isusumbong kita kay tita Yuri. Diba sabi wag ka na raw mag kakalat?"

May pagbagsak akong narining. Nilingon ko ito at mukhang galing ito sa likod ng pintuan ng opisina ni papa.

Walang nakakapasok dito kundi si papa lang. kahit si tita Yuri ay hindi nakakapasok dito.

"Liam, pumasok ka ba sa opisina ni papa? Diba alam mo namang bawal pumasok dito? Kahit kelan talaga hindi ka nakikinig" may halong galit na sambit ko.

Medyo nakasiwang ang pinto kaya lumapit ako rito. Isasara ko na sana ito ng may mapansin.

Nag kalat sa loob ang crayons ni Liam.

"Sabi na nga ba eh" inis na sambit ko. Lagot talaga sya kay papa. Hindi sumusunod!

Tuluyan kong binuksan ang pinto ng opisina. Nakahinga ako ng maluwag ng wala dito si papa.

Mamaya ay pupunta ako kay Liam. Napaka kulit talaga nun.

Isa-isa kong dinampot ang mga crayons nya.

Sa lahat ba naman kasi ng pwestong mag color sya sa opisina pa ni papa. Umiiling ako habang patuloy sa pag dampot ng crayons.

Tumayo ako ng madampot ko na ang nasa lapag.

Inilagay ko to sa box ng crayons kaso nga lang ay may kulang itong isa.

Color red.

Ginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Nasaan na yun?

Inangat ko pa ang unan sa sofa at sa gilid ng kwarto pero hindi ko makita.

When My Nightmare Become Reality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon