Napabangon ako sa pagkakahiga, napatingin ako sa orasan at saktong alas tres ng madaling araw.
Biglang humangin ng malakas kaya tumingin ako sa bintana.
Wala akong naalala na binuksan ko ito. Tumayo nalamang ako at sinarado.
Habang sinasarado ko ito may naramdaman akong pagyakap sakin.
Nanlamig ang buo kong katawan."Abby" nagtindigan ang balahibo ko. Mabilis ako humarap pero sa pagharap ko ay isang malakas na pagbagsak sa pinto lang ang nakita ko.
Nasan na sya??
Mabilis akong tumakbo palabas ng aking kwarto.
"F-Fionah?" lumabas ako ng kwarto.
"F-Fionah, nasan ka?" nanginginig kong sabi.
Naglakad lang ako ng naglakad, hinahanap si Fionah. Mabilis na napatingin ako sa bandang kaliwa ko dahil may naaninag akong mabilis na pagtakbo.
Sinundan ko ito pero wala akong nakita.
"Abby" napatingin ako ako sa bandang madilim ng aking nilalakaran.
"Abby" umiiyak nyang sabi sabay Tawa. Kinilabutan ako sa narinig.
"Fionah?" Mas lumapit pako para makita sya.
Palapit ako ng palapit. Naaninag ko ang babae na nakatago sa pader. Bahagyang nakasilip ang kanyang ulo kaya nakikita ko kung pano ito mala-demonyong numingiti.
"A-Abby, tulungan mo ko" sabi nya ng nakangiti. Dahil sa takot nag madali akong tumakbo patungong kwarto.
Humiga ako sa kama at nagdasal na sana mawala na sya. Nakatihaya akong nakahiga at pilit na natutulog.
Ilang minuto pa ang lumipas at unti unti na akong nilalamon ng antok.
Makakatulog na sana ako nang may yumakap sa aking likod. Nakita ko ang mga duguang kamay nyang nakayakap sa magkabila kong beywang.
"Tulong, tulungan mo ko" huling sabi nya bago ako tuluyang sumigaw ng sumigaw na para bang nawawala na sa katinuan.
___________Balisa akong pumasok kinabukasan. Malinaw parin sa aking alaala ang nangyari kagabi.
"Abby, bakit ka sumisigaw?" si ate amara na nakarinig ng pagsigaw ko.
"Ate, ate nakita mo sya diba? Papatayin nya ko ate, tulungan mo ko" umiiyak na sambit ko.
Kita ko ang pag aalala ni ate Amara. "Shhhh, tahan na. Baka guniguni mo lang yun, Abby" Yakap nya sakin.
Umiling ako sakanya."Ate, nandito lang sya. Papatayin nya ako." nanginginig kong paliwanag sakanya.
"O sige, dito nalang ako matutulog sa tabi mo, okay lang ba?" aniya at pinunasan ang luha ko.
Papasok na sana ako ng may nabunggo ako.
Fatima?
"Sorry di kasi ako tumitingin" paghingi ko ng paumanhin. Tinulungan ko din syang kunin ang mga librong nagkalat.
Nakatingin sya sakin. Nagtaka pa ako dahil para syang nagulat at natatakot.
Ano bang problema nya? Tatanungin ko sana sya ng bigla ito tumayo.
"S-salamat Abby" nanginginig nyang sabi. Sinundan ko sya ng tingin.
Dumiretsyo nalang ako sa upuan ko.
"Abby, okay ka lang" nagaalalang tanong sakin ni Ady.
"Oo nga Abby, namumutla ka kasi, may sakit kaba?" hinawakan pa ni Quinn yung noo ko.
"A-ahh wala pagod lang ako" nakangiting sabi ko sa nila. Mukang nakahinga naman sila ng maluwag.
Nagsibalikan sa kanilang pwesto ang mga k-klase ko.
Maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nun si Gray.
Bukas pa ang tatlo nyang butones at magulo po ang buhok nya.
Nag katingin kami bago siya dumiretsyo sa likod ko.
________
BINABASA MO ANG
When My Nightmare Become Reality
HorrorIn a town where a young girl named Averill lives, she finds herself hunted by her dreams. Keeps waking up from nightmares, not knowing what they mean. Night after night, awakens in a cold sweat, convincing herself that it was all just a dream. Feeli...