Umiiling ako habang hawak n'ya ang mga paa ko. Hindi ko alam paano ako kikilos bakit ganto ngayon ang nangyayari sa akin, hindi ko alam sino ang tatawagin dahil kahit pamilya ko ay di ko matakbuhan."Halika na, Jane. Asawa mo naman ako pagbigyan mo naman ako." Bulong n'ya na ang dating sa akin ay parang isang demonyo.
"A-ayoko. Please, Hernan tigilan mo 'to ayoko!" Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin n'ya ako.
"Tangina! Wala kang kwentang asawa kung ganon! Pero sige, ayaw mo ah? Gusto mo ata 'yong force eh!"
Napasigaw ako nang hawakan n'ya ang kamay ko ng pwersahan at pinaghiwalay ang mga binti ko na nakadikit kanina lamang. Iyak ako ng iyak habang nakatali ako sa kama. Wala akong magawa kundi ang umiyak dahil nawawalan ako ng pag-asawa.
"W-wag! Ayokooo!"
"Jane! Jane! Gumising ka!"
Napabangon ako habang hawak ang katawan ko. Umiiling-iling ako at umiiyak. Niyakap ako ng kapatid ko at pinatahan.
"A-ayoko na. Binaboy n'ya ang katawan ko! W-wag ayoko na, ayoko na!"
"Tanginang Hernan! Tignan mo ang traumang binigay n'ya sa kapatid natin!" Sigaw ng Kuya ko na nangangalaiti sa galit. Nanginginig pa din ako.
"Ano ba?! Asawa n'ya naman si Hernan! Kaya bakit di s'ya magpapagalaw?!" Napantig ang tenga ko dahil sa sigaw ng Papa ko.
"Pa! A-anak mo ako! Alam mong kakagaling ko lang sa panganganak at wala pa akong tulog kakabantay sa bata dahil ang letche mong piniling lalaki na papakasalan ko andoon umiinom!" Sigaw ko sa kanya.
"Pa, nirerespeto kita pero kapag sinabi ni Jane na ayaw n'yang magpatalik— ayaw n'ya! Kahit mag-asawa na sila kapag ayaw ng kapatid ko, ayaw n'ya bakit kailangan ipilit?!" Sigaw ng kapatid kong lalaki sa ama namin.
Hanggang ngayon ang trauma na dinadala ko ay sobra-sobra na kahit sa pagtulog ko maramdaman ko lang na may kikilos gumigising ako at buong magdamag ng gising. Wala akong maayos na tulog. Pagod na pagod na ang mata ko. Kahit pa na asawa mo na ang isang babae kapag ayaw n'ya— ayaw n'ya na.
Ang kasal at ang pagiging asawa ay titulo mo lang at posisyon mo lang sa buhay ng asawa mo, pero hindi ito isang susi na gagamitin mo para makapasok sa gusto mong pasukan. Kapag ayaw, wag mong gawin. Wag mong pwersahin.
Wag— ayoko..
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
लघु कहानी"We mature by the damage, not with the years. Relationship in real life is not a fairytale so don't expect the happy ending story."