-🥀
Hinawakan ko ang kamay n'ya. Hindi ko akalain na sa katagal-tagal namin hindi ko man lang nakita na inalis n'ya sa daliri n'ya ang dalawang pares ng sing-sing. I look at him down to his neck, meron din s'yang kwentas tapos ang pendant ay J.S ewan ko kung ano ang ibig sabihin n'yan pero sa tingin ko ay mahalaga.
"What are you looking at hmm?" hinaplos n'ya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Tinignan ko naman s'ya at ngumiti.
"I was just checking your hands and your neck, nacucurious ako bakit J.S? Tapos hindi mo man lang inaalis sa daliri mo ang dalawang sing-sing na'to." sabay turo ko nun. I feel hin stilled for a moment.
"It's j-just have sentimental value. This is important to me." Ngumiti s'ya. Ngumiti na lang din ako. Siguro bigay 'yan ng Mama n'ya o Lola, because that's sentimental right?
"You never forget to wear that one." natatawa ako dahil bakit iba ang feeling ko?
"Yeah. Don't think too much Hon, I love you." hinalikan n'ya naman ako sa labi. Yeah, don't worry too much Riza.
---
Kunot ang noong tinignan ko ang phone n'ya, may tumatawag at nasa labas pa s'ya bumibili ng pagkain. I look at it. J.S din ang nakalagay. Ano ba talaga ang J.S? Kinuha ko ang phone n'ya at sinagot ito.
"Hello John? Salamat at sinundo mo ako sa airport kahapon, tumawag lang ako para du'n. Bye." tinitignan ko lang ang phone n'ya nang pumasok na sa loob si John.
Tinignan n'ya akong hawak ang phone n'ya at mabilis s'ya na lumapit sa'kin.
"Nasa sa'yo pala, akala ko naiwan ko dun sa kotse." nakita kong ilap ang mga mata n'ya na tinignan ako.
"Sino ba talaga ang J.S? Bakit may tumawag sayong babae na thank you daw kasi sinundo mo sya sa airport, who is she?" Huminga ako ng malalim nang hindi n'ya ako sinagot, Sumandal na lang ako sa likod ng sofa at pinikit ang mata ko.
"Hon, don't be jealous she's just nothing. Pinsan ko lang 'yun I promise." he hug me. Tinignan ko s'ya. That's assurance I need. Niyakap ko din s'ya pabalik.
---
Nandito lang ako sa coffee shop nang napansin kong pumasok si John, I was about to call him when a girl pops up too. Kumunot naman ang noo ko nang umupo sila malapit sa window, tumayo ako at sa likod nila ako pumwesto nakatalikod ako kay John to make sure hindi nila ako makikita.
"John, sorry pero I want you back." napatigil ako saglit.
"Shane, you know I have a girlfriend sana mas maaga ka pang dumating sana mas maaga pa." Shane? John? Kaya ba J.S? Napahawak ako sa wallet ko ng mahigpit.
'Yung dalawang sing-sing kay Shane at kay John ba 'yun? Kaya ba hindi n'ya tinatanggal.
"Yes i know, but if you really love your girlfriend now why are you still wearing our wedding ring?" napatulo ang luha ko dahil sa sinabi n'ya.
W-wedding ring? They're married? Kahit gusto ko ng umalis ay hindi ko pa din kaya para akong nanghihina sa mga narinig ko. Hindi ko na alam ano ang pinag-uusapan nila nang mabilis akong umalis. Hindi ko kaya.
---
Pumasok s'ya sa loob nang bahay at nakita n'ya akong nakaupo sa sofa at hinihintay s'ya. Pumikit ako at nangilid agad ang luha sa mata ko, this will be the last that I can call you mine.
"Shane. That's why J.S huh?" nakangiti na sabi at bungad ko sa kanya, napatigil s'ya ng hakbang papunta sa'kin at alam ko alam kong totoo ang mga naririnig ko dahil sa aksyon n'ya ngayon.
"R-riza let me explain please." nanghihinang umupo s'ya sa harap ko i saw the tiredness of his eyes at parang galing din ito ng iyak.
"Kaya ba kaya ba nung sinabi kong gusto ko ng ikasal sa'yo ay hindi ka umimik k-kasi kasal ka na p-pala sa iba?" naiiyak na tanong ko sa kanya at sumikip ang dibdib ko nang tumango s'ya. Napahawak ako sa sentido ko at Iniwas ang tingin sa kanya."You still love her?"
"Riza.."
"Did you still love her?!" sigaw na tanong ko sa kanya at mas lalo pa akong nanghina dahil sa sagot n'ya.
"Yes.. I still do. I really do." tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko."Minahal din k-kita at totoo 'yun pero mas mahal ko s'ya we've been for almost 7 years at hindi ko k-kayang... hindi ko kayang k-kalimutan 'yun." naiiyak na din na sabi n'ya at bakas ang pagod sa boses n'ya. Tumango ako at tinignan s'yang naluluha.
"You know what's the most assurance that I need?" inangat naman n'ya ang mukha sa'kin."Your love. Just your love. Pero hindi ko akalaing pati ang tiwala ko sisirain mo." Tumayo ako at Kinuha ang bagahe ko. Mas lalo akong nasaktan dahil feeling ko nagbahay-bahayan lang kami we're just live in at ano? Kasal sila ng Shane na 'yun."This is your house right? Dito nakatira dati si Shane?"
"Yes, w-we used to live here." napangiti ako ng mapait. Tumalikod na ako tumayo s'ya at hinawakan ang kamay ko, inalis ko ito at tumalikod na. Mabilis na lumabas ako sa bahay at napaupo ako sa labas ng pinto at umiyak ng umiyak. Lumabas s'ya at niyakap din ako sa likod, umiling ako. Tinignan ko s'ya ng naluluha.
❝I always give in when you tell me lies to reassure me, I always make the same mistakes.❞
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
Cerita Pendek"We mature by the damage, not with the years. Relationship in real life is not a fairytale so don't expect the happy ending story."