GRADUATION

8 1 0
                                    


Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko si Mama na naglalaba at ang mga kapatid ko na naglalaro. Nilapitan ko kaagad si Mama nang makita ko siyang ubo ng ubo.

"Ma. Ayos ka lang po ba? Magpahinga ka na lang po muna at ako na ang tatapos n'yan." nakangiti na sabi ko kay Mama. Ngumiti din siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang ako Inday ano ka ba. Kailangan kong matapos ang itong nilalabhan ko para may pera akong pambili ng pagkain natin, di pa nakakakain 'yang kapatid mo." Huminga ako ng malalim at Kinuha ang wallet ko, tinignan ko ang laman nu'n at may 100 pa naman Kinuha ko ito at binigay kay Mama."Ano to anak? Wag na anak gagamitin mo pa ito bukas sa iskwelahan di'ba may project kayo?" sabay ubo n'ya ulit. Ngumiti naman ako.

"Ako na po bahala Ma. May trabaho naman ako mamayang gabi. Sasahod siguro ako ng malaki ngayon. Sige na ma ako na tatapos neto magluto ka na lang po medyo gutom na din po ako eh." Ngumiti si Mama at niyakap ako. Nangingilid naman ang luha sa mata ko. Niyakap ko naman ng mahigpit si Mama.

"Salamat Inday ha. Nakakahiya't ikaw pa ang nagbibigay sa akin ng pera."

"Wala po 'yun Ma. Pag mayaman na tayo at may trabaho na ako, ibibili ko lahat ng gusto mo." Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.

"Nako inday hihintayin ko 'yan."


"Kulang sa akin ang pagkain! Ma oh si Angelo Kinuha ang pagkain ko!"

"Angelo, tapos ka ng kumain ibigay mo na 'yan sa kapatid mo."

"Ma gutom pa po ako!"

"Pero hindi pa ako nakakakain Angelo!"

Narinig kong nagsisigawan ang mga kapatid ko sa loob ng bahay. Pumasok naman ako at nakita ko si Manang problemadong nakaupo. Nagmano agad ako at binigay ang pagkain sa kapatid ko na dinala ko.

"Oh inday nakauwi ka na pala. Kain ka na." binigay ni Mama ang pagkain n'ya sa'kin. Ngumiti naman ako at umupo sa tabi n'ya.

"Tapos na po akong Kumain Ma sa'yo na lang po. Pasensya ka na't ginabi ako ma ha madami kasi akong ginagawa, nag review pa ako para sa exam bukas eh board exam na kasi bukas ma. Ma ilang hakbang na lang po doctor na ako." masayang balita ko sa kanya.

"Magandang balita 'yan inday. Gustohin mo mang ipaghanda ka ng masarap na pagkain, kaso wala pa ako'ng pera anak eh binili ko ng gamot ko anak eh kulang din ang nakukuha ko sa paglalabandera." malungkot ba ngumiti siya sa'kin. Hinaplos ko ang likod niya.

"Okay lang po ma ang mahalaga po ay maayos kayo." niyakap niya naman ako.


"Hay salamat at tapos na ang exam!" sabi ng pinsan ko. Ako naman ay nakangiti na naglalakad pauwi. Salamat at natapos din.

Hindi naging madali pero natapos din. Naglalakad lang kami nang makita ko ang kapatid ko na tumatakbo papalapit sa'kin.

"Ate si Mama!" Naiiyak na sabi n'ya. Bigla ay kinabahan ako.

"Anong nangyari kay mana Angelo?" Natatarantang sabi ko. Tumakbo naman ako papunta sa bahay, patagal ng patagal bumibilis ang tibok ng puso ko. Pagkapasok ko sa bahay ay umiiyak na ang mga kapatid ko. Nangingilid ang luha sa mata ko hanggang sa tumulo ito.

"Mama. Ma. Gising ka ma." niyugyog ko siya sakaling gigising siya at yayakapin ako."Ma gising ma, di'ba kakain pa tayo ng m-masarap na pagkain? Di'ba ma y-yayaman pa tayo? Sabi ko di'ba Ma ikaw ang aakyat sa stage para sa'kin! Di'ba ma sabi mo sasamahan mo ako sa l-lahat ng bagay? Ba't iniwan mo ako ma? Di pa a-ako handa! Ma! Gising ka naman oh!!" Napaiyak ako ng malakas at niyakap siya. Wala na ang lakas ko. Wala na ang taong bumuo sa'kin. Ma, Ba't iniwan mo ako?


Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ni Mama. Inayos ko ang bulaklak at nilagay ang diploma ko sa gilid ng puntod n'ya. Hinaplos ko ito.

"Ma graduate na po ako." naiiyak na sabi ko. Bigla ay lumamig ang pakiramdam ko, pinikit ko ang mata ko."Ma salamat sa yakap. Doctor na po din ako Ma, tinupad ko ang pangako ko Ma. Napagtapos ko na din po ng highschool si Angelo ma." nakangiti na balita ko." Ma sobrang miss na kita. Mahal na mahal kita ma." Tumayo ako at naglakad na paalis. Nakangiti na umalis ako kasabay ng pag-ihip ng hangin. Tumingala ako at nakita ko si Mama sa langit na nakangiti. I love you ma.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now