REMIND ME OF YOU

13 2 1
                                    

-🥀

Napahawak ako sa bibig ko nang ginulat ako ni Matt. Tinignan ko s'ya nang nanlalaki ang mata.

"Nakakagulat alam mo ba 'yun?!" inis na sabi ko sa kanya, ang loko tumawa lang at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry na babe. Ito naman. Wait may new songs akong ipaparinig sa'yo, kakagawa lang naman to ng mga kabanda ko babe at ikaw pa lang makakarinig neto!" excited na balita n'ya sa'kin. Ngumiti naman ako sa kanya at Kinuha ang isang earphone.

"Dapat maganda to ha!" habang hinihintay ko sya ay napapadaan ang mga classmates ko.

"Una na kami Jayseil ha. Ingat ka!" Tumango lang ako sa friend ko. Napaigtad ako nang ipasuot sa akin ni Matt ang isang pares ng earphone.

"Hear it Babe, it's for you I made it for you because you're always in my mind I always thought you. That's why I composed this for you." tinignan ko s'ya sa mga mata n'ya at kita ko ang sinseridad sa boses n'ya.

Ngumiti ako at niyakap s'ya. Ang ganda ng kanta, sobrang nakakaginhawa ang bawat liriko neto.

"Ang ganda naman neto babe. I'm sure pag nirelease nyo na ito sisikat to!" excited na sabi ko sa kanya. Hinawakan n'ya naman ako.

"Yes babe, at kung sisikat naman ito dapat sa concert namin nandun ka tinitignan akong kumakanta kasi para sa'yo 'yun eh parehas kayong maganda." namumula naman akong umiwas ng tingin."Ano? Kilig ka na naman sa'kin nyan?" umirap ako sa kanya.

"Ewan ko sa'yo!" tinawanan n'ya lang ako at hinalikan sa noo. God i love this man.


----

"Babalik at babalik sa'yo~"

napapikit ako sa huling lyrics na binigkas n'ya. Tinignan ko s'ya na napakagwapo dahil sa gitarang nasa likod n'ya at ang mga tinig n'ya na kay lamig at masarap pakinggan. This is their concert, sumikat ang music band nila at natutuwa ako sobrang proud.

Sumigaw lahat at tumayo. Tumayo na din ako at pumalakpak para sa kanya. Napatingin s'ya sa gawi ko at ngumiti sa'kin. I'm so proud of you babe, this is it this is your dreams. Nandito ako kagaya ng gusto mo, nakatingin at tumayo't pinapalakpakan ka. Tumulo ang luha ko.

"Thank you for coming today. I'm so glad you came, kahit alam ko'ng busy ka talaga!" Masayang sabi n'ya. Masayang tinignan ko din s'ya, halatang kuntento s'ya ngayon sa buhay nya walang problema.

"Syempre! Nangako ako noon na pupunta ako di'ba?" Ngumiti lang s'ya. He was about to talk when someone is shouting.

"Papa!!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang bata'ng lalaking suot ay ang napaka-cute na damit at may pangalan pa talaga ni Matt. Natawa ako ang cute. Ngumiti naman ako nang Kinarga n'ya ito. Magkamukhang-magkamukha ang mag-ama.

"Nako. Mukhang hinahanap na ako ng asawa ko, una na ako Jayseil nice to see you again after how many years. By the way, this is my son Matthew." aakmang hahalik ako sa bata nang may sumigaw na babae din.

"Love, come on daddy's waiting for us." Tumango lang si Matt at tinignan ako.
"Una na ako, atsaka gumanda ka lalo." Tumawa ito at natawa na din ako, tinignan ko s'yang naglalakad palayo.

Tumulo ang luhang kanina ko pa pinigilan. Babe, kung hindi ba ako pumunta sa ibang bansa para sa pag-aaral ko tayo ba ang magkatuloyan? Ako ba ang asawa mo ngayon?

Tumingala ako at napapikit ako nang pinatugtog sa buong mall ang musikang nagpapaalala sa kanya. Ang musikang ginawa n'ya para sa aming dalawa. Pumikit ako at umiyak. Tinignan ko s'yang nawawala na sa paningin ko.

❝I'm so fed up with my thoughts of you and your memory, and how every song reminds me of what we used to be.❞

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now