MOTHER'S DAY

3 0 0
                                    


Napatingin ako nang pumasok si Mama sa bahay at sinalobong namin s'ya ng mano at kinuha ko ang basket na dala n'ya at hindaan s'ya ng pagkain.

"Pasensya anak at gabi na naman ako nakauwi,hindi kasi masyado mabili ang kakanin dito sa atin at pumunta pa ako sa talyer para ibenta ito." sabi ni Mama na ngayon ay Kumain na.

Umupo ako sa tabi n'ya at ang mga kapatid ko ay tulog na sila. Tinignan ko si Mama na halata ang pagod sa mukha n'ya.

"Okay lang 'yun Mama ang mahalaga ay nakauwi ka ng safe. Pero,mama malapit na po ang bayad ng tuition namin at kailangan ko po'ng magbayad para sa susunod na pasukan." Nakita ko s'ya na ngumiti kahit halata naman sa mukha n'ya na galing pa s'ya sa pagod tapos dumagdag na namin ito sa iisipin n'ya.

"Nako. Ganu'n ba anak? Sige Gagawan ko 'yan ng paraan." Napaigtad kami ni Mama nang pumasok si Papa na lasing na naman. Tumayo si Mama at tinignan si Papa na ngayon ay Kumuha ng pagkain."Lasing ka na naman? Jerry naman. Sana ang pera na binili mo ng alak ay ibinigay mo na lang sa anak na'tin para pangkain nila." Napatayo ako nang itapon ni Papa and kaldero sa sahig malapit ka'y mama. Hinawakan ko ang kamay ni Mama dahil nakita ko ang galit sa mukha ni Papa at alam ko sasaktan na naman n'ya si Mama.

"Hindi mo pera ang panggamit ng pag-inom ko! Wag ka'ng mag reklamo!" Magsasalita pa sana si Mama nang sinampal s'ya ni Papa at ako naman ay tinignan si Papa na ngayon ay Humiga na. Hinawakan ko ang pisngi ni Mama at pinunasan ang luha na tumulo sa mata n'ya.

"Pasensya ka na anak at nakita mo pa 'yun. Matulog ka na at ako na ang bahala dito na maglinis." Tumango na lang ako at tumabi na sa mga kapatid ko. Pag pikit ng mata ko ay ang s'yang pagpatulo ng luha ko.





"Bili na po kayo ng isda! Sariwa pa po ito!" Sigaw ko. Nandito kami ngayon sa gilid ng kalsada nagtitinda ng isda. Nakita ko si Mama na papalapit na. Kumaway naman ako at ngumiti naman s'ya.

"Anak! Naubos ko ang kakanin. Ikaw kamusta ka na dito?" Ngumiti ako at Kinuha ang basket sa kanya at nilagay ito sa baba.

"Nako ma. Ito kaunti na lang ang naiwan." Umupo s'ya sa kalsada at ako naman ay naghahanap pa ng customer.
"Hindi ka ba nahihirapan anak? Pasensya ka na,dapat ay nasa bahay ka lang at wala'ng iniisip." Napatingin ako kay Mama at umupo sa tabi n'ya.

"Okay lang po 'yun Ma. Wala pa naman ako'ng gagawin sa bahay at isa pa dapat ay tumulong ako para sa atin. Panganay po ako at dapat ako ang unang tumulong sa'yo." Hinawakan naman ni Mama ang kamay ko.

"Salamat at nandyan ka kasi hindi ko na alam ang gagawin ko anak. Nahihirapan ako na nakikita kayo na nagugutom at hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw." Yumuko s'ya at tumulo naman ang luha ko.

"Oo Ma ang hirap ng buhay pero kaya naman na'tin to." Tumango s'ya at yumakap sa'kin. Napalingon ako nang may papunta sa'min.

"Hija. Pwede ko ba'ng bilhin 'yang isda mo? Lahat 'yan." Napangiti naman ako at tumayo.

"Nako Ma'am pwedeng-pwede!" Kinilo ko lahat at binigay sa kanya. Nagbigay naman s'ya ng one thousand at napatingin ako sa kanya."Nako ma'am wala po akong panukli sa'yo."

"Wag na Hija. Sa'yo na lang 'yan. Salamat nga pala dito."

"Salamat po!" Ngumiti lang s'ya at masaya kami na umuwi ni Mama sa bahay bumili na din kami ng bigas at ulam. Pagkarating namin sa bahay ay nagkalat ang mga damit at ang mga kapatid ko ay umiiyak na. Tinignan ko ang kapatid ko.

"Anong nangyayari dito Inday?" Umiiyak s'ya na tinignan ako.

"Ate lumayas na si Papa at n-nakita ko s'ya na may kasaman'g iba." Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nakaupo na at hawak-hawak ang sariling ulo n'ya. Inayos ko naman ang bahay at tinignan si Mama na ngayon ay hindi na alam ang gagawin n'ya.

"Ma.." kumirot ang puso ko nang ngumiti s'ya at tumulo ang luha n'ya.

"Wala na ang Papa n'yo anak. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko." Niyakap ko si Mama nang umiyak s'ya ng umiyak.



Simula nu'ng umalis si Papa ay domoble ang trabaho ni Mama. Uuwi s'ya ng pagod pero nakangiti,naglalabada,naging yaya,nag-iigib ng tubig sa kapitbahay,nagmamanicure,at kung ano ano pa. Ako naman ay last year ko na ito dahil ngayon na buwan ay gagraduate nako.

"Dean? Pinatawag n'yo po ako?" Tumango s'ya at pinaupo ako.

"Ikaw ang may pinakamataas na rank ngayon na taon. Aasahan ko na ang speech mo at ang magulang mo ha?" Nagulat na tinignan ko ang Dean ng school namin. Napaiyak naman ako na tinignan s'ya.

"Ganu'n po ba? Salamat po! Opo ihahanda ko po ang sarili ko!" Tuwang-tuwa na lumabas ako ng guidance at naiiyak na tinignan ang classmate ko na ngayon ay proud na proud sa'kin. Pagkauwi ko ay sumigaw agad ako. "Ma!Ma!Ma! May balita po Ako!" Pagkapasok ko sa bahay ay napaluhod ako sa nakita ko. Si Mama putlang-putla ay nahihirapan ng Huminga. Ang mga kapatid ko naman ay naiiyak na tinignan s'ya."Ma. N-nandito na po ako.." napalingon si Mama sa'kin at ngumiti s'ya sa'kin. Ang ngiti na nakakawala ng pagod.

"A-anak. Ano ba ang ibabalita mo sa akin?" Naiiyak na hinawakan ko ang kamay n'ya.

"Ma ako po ang nangunguna ngayong taon."

"Masaya ako para sa'yo anak sa wakas ay makakatapos ka na din." Niyakap ko s'ya at umiyak.

"Pag successful ka na anak Wag mo'ng pababayaan si Inday at Dodong ha?" Umiiyak na tumango ako.


Napatingin ako sa paligid puno ng ngiti at saya ang mga tao na nakapaligid sa'kin. Umakyat na ako sa stage nang tinawag na ang pangalan ko. Tumahimik ang lahat ng tao at hindi pa man ako nagsisimula ay tumulo na ang luha ko.

"They said education is the key to our success. For me,my mother is my key for my success. Ma. Nandito na ako ngayon sa stage. Ma,nakapagtapos na po ako. Mahirap ang buhay namin,makakakain lang kami ng mga kapatid ko at si Mama pag may trabaho s'ya minsan naman ay wala kami'ng makain kung wala s'yang trabaho. Pupunta ako dito sa school minsan na wala'ng laman ang tiyan." Napuyuko ako at pinunasan ang luha na tumulo sa mata ko."Gigising ako ng umaga na haharapin na naman ang mundo. Kasama si Mama. Umalis si Papa at iniwan kami ng mga kapatid ko. Dahil du'n ay ginawa lahat ni Mama ang lahat para lang makapasok ako at makakakain ang kapatid ko. Idagdag mo pa ang tuition. Uuwi si Mama ng pagod tapos wala pa s'yang pagkain na maaabotan kasi wala naman kaming pagkain. Our life us miserable. 'Yung iisipin mo pa kung ano ang kakainin sa susunod na araw,paano makakapag-aral ng walang iniisip." Nakita ko ang iba ay umiiyak na din."Ma kamusta ka na po d'yan sa langit? Patawad po t hindi pa kita nadadalaw. Ma ako na ang bahala kay Inday at Dodong. Ma,salamat po sa sakripisyo mo sa amin. My mother is my hero as I walk to the path of my own success. She was there when I first walk,talk,and open my eyes. She was there telling me to survive even though there's no reason to survive. Mama,ito lang po ang regalo ko sa'yo. Happy Mother's Day.." Nagpalakpakan ang iba at ang iba naman ay umiiyak na. Tinignan ko ang mga tao at sa di kadahilanan ay nakita ko si Mama na nakangiti na tinignan ako.

Ma,this is for you Happy Mother's Day...

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now