PAST

10 2 0
                                    

-🥀

Napapikit ako nang maramdaman ko ang yakap nya.

"Antagal mong umuwi mahal, namiss kita!" nakangiti na yakap ko pabalik sa kanya. Hinarap n'ya ako sa kanya.

"Di'ba sabi ko naman na magpapakasal tayo pagkatapos kong makaipon? Kaya konting tiis na lang at makakaipon ako." Ngumiti na lang ako at tinignan s'ya habang hinahawakan ang kamay ko."Maylyn, please don't leave me just wait for the day that I can ask for your hand and I can bend my knees asking you to marry me."

"I will wait until you bend your knees for me."

"I do father.." Napangiti ako nang sabihin n'ya 'yun sa harap ng tao. Pinunasan ko ang luha ko sobrang saya ko. Sobrang saya kasi ngayon, natutupad na ang pangarap n'ya na magpakasal. Pangarap naming dalawa.

"I do father.." pangarap naming tinupad at binuo n'ya sa iba.

Nagpalakpakan ang lahat at ako din, Napatingin s'ya sa'kin at ngumiti din ako. Be happy love, you reach your dreams remember?

Nasa park lang ako pagkatapos ng kasalan na 'yun, umuwi na ako at di na dumeretso sa reception kasi lolokohin ko lang ang sarili ko na kaya ko pang tignan.

Oo masaya ako para sa kanya, masaya ako kahit hindi n'ya sa akin 'yun tinupad kasi kahit papaano naging kasali ako sa journey ng buhay n'ya.

It was so painful to me but what I'm supposed to do? Tatayo na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Maylyn.." tinignan ko s'ya na ngayon ay may hawak na bata. Napangiti ako dahil-- may anak na sila bago sila magpakasal. Oo nakabuntis s'ya habang nasa ibang bansa s'ya. Wala akong magawa, ayokong sirain ang future ng bata.

"Edward.. It's so good to see you here. How are you?" Ngumiti ako at nilapitan sya. Tinignan n'ya ako.

"We never talk about this." Seryoso ang mukha n'ya. Tinignan ko naman s'ya.

"We don't have to." Umalis na ako at bumuntong-hininga hininga. Naglakad na ako paalis pero bago ko 'yun ginawa pinunasan ko ang luha kong tumulo na pala, ang daling sabihin na okay lang ako di pa pala. Tinignan ko s'ya.

❝And suddenly I become a part of your past, I'm becoming the part that don't last.❞

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now