Tinignan ko ang malaking bahay sa harap ko. Hindi ko alam kailan ito pinatayo pero nung kinder ako nakikita ko na ang bahay nato. Huminga ako ng malalim at pumasok na talaga sa gate ng lumang bahay. Ngayong nasa senior high na ako mas lalo akong nacurious. Minsan nung dumaan ako dito merong caretaker. Wala naman akong naano sa bahay nato pero mabigat sa pakiramdam.Nang makapasok ako ay sobrang lakas ng hangin. Napaawang ang labi ko dahil maganda naman pala ang bahay pero kapag nasa malayo nagmimistula itong hunted house.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Napaigtad ako nang makarinig ako ng boses sa likod ko. Napangiti ako.
"Good afternoon po, Lola. Ikaw po ang caretaker dito?" Tumango naman ito at nilagay sa gilid ang dala-dalang walis. Sumunod ako sa kanya."Asan po ang nakatira dito? Matagal ko ng nakikita ang lugar nato pero hindi ko pa kailanman nakitang may pumasok dito na may-ari."
Pag-angat ko ay napadako ang tingin ko sa bintana. Kumaway ako sa babaeng nakatayo doon, napasimangot naman ako nang tumalikod ito baka ata di sanay sa tao.
"Wag. Wag kang kakaway kahit kanino. Umuwi ka na't magdidilim na." Tinignan ko ang matanda na ngayon ay tinutulak ako palabas.
"P-pero kawawa naman ang dalaga kung di pinapalabas di'ba? Kinukulong ba s'ya dito?" Nagtatakang tanong ko nang makalabas ako ng gate. Tinignan ko ang kalsada, sa gilid ay lalabas pa ako dahil tago ang lugar nato bale maglalakad ako bago ako makapunta sa main road.
"Umuwi ka na!" Napaigtad ako ulit sa sigaw n'ya at nakita ko ulit ang babae sa bintana may kasama ng itong batang babae na nakakarga sa likod n'ya.
"Weird naman." Sabi ko na lang sabay lingon sa bintana ulit. Huminga ako ng malalim at naglakad na.
Habang naglalakad ako ay may matandang mabilis na naglakad, parang tatakbo na s'ya kaya naman hinabol ko.
"Manong! Manong! Ano pong nangyari?"
"H-hindi mo ba nakita ang babae at bata sa bintana?!"
"Huh? Nakita ko po, kawawa nga eh kinukulong siguro ng kanilang mga magulang. Bakit po?" Nanlaki ang mata n'ya at nanginginig.
"Wala ng tao d'yan, Hija. P-patay na lahat ng tao d'yan, pinatay ng isang asawa ng caretaker."
Sunod sunod ang pagtahip ng kaba sa dibdib ko at sobrang takot ko dahil naalala ko ang sinabi ng matanda.
"Ngayon dahil kumaway ka n-nasundan ka, Hija. Ang bata ay nakakarga ngayon sa likod mo!"
At doon ramdam ko ang kamay n'ya sa aking mukha.
"Aaah!!"
Ang bata at ang babae sa bintana ay namatay. Pinatay. Ngayon mag-ingat sa kinakawayang bahay baka sa susunod— kasama mo na sila..
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
Short Story"We mature by the damage, not with the years. Relationship in real life is not a fairytale so don't expect the happy ending story."