DUST

12 2 0
                                    

-🥀

Napaigtad ako nang sumigaw s'ya. Napaupo ako sa sofa at nakayuko lang.

"Dahil sa'yo naghiwalay kami! Kasalanan mo lahat!" tumulo ang luha ko nang hawakan n'ya ng madiin ang braso ko at ramdam ko ang sakit hanggang sa puso ko.

"N-nasasaktan ako ken." nauutal na sabi ko sa kanya. Tinignan n'ya naman ako ng masama.

"Talagang masasaktan ka Juliana! Wala ka talagang silbi!" tinulak n'ya ako at umiyak ako. Kung bakit ganito ang buhay ko, kung bakit minahal ko ang taong kailanman hindi ako mamahalin pabalik. Tinignan ko s'ya sa kusina na ngayon ay umiinom ng alak. Lumapit ako sa kanya na paika-ika dahil sa sakit ng paa ko nung tinulak n'ya ako.

"I love her. Alam mo 'yun, pero dahil sa letseng kasal nato! Nawala s'ya hiniwalayan n'ya ako!" nasa pintuan lang ako at umupo du'n sa gilid, Napahawak ako sa bibig ko nang kumawala ang hikbi dun."Ang kapal ng mukha mo'ng umiyak, wala kang karapatang umiyak kasalanan mo to!"

"M-may nararamdaman din ako Ken tao pa din ako. Kaya hindi mo ako mapipigilang hindi masaktan!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak, nakakapagod ang ganito palagi na lang. Nakakapagod.

---

Nandito ako ngayon sa Mall dahil bibili ako ng iluluto mamaya darating kasi ang parents ni Ken at parents ko din, tinignan ko ang mga pasa ko kailangan ko tong maitago mamaya.

Napatingin ako sa Wattson dito na lang ako pupunta baka naman may makita ako. Pagpasok ko sa Wattson naghahanap-hanap lang ako nang may narinig akong pamilyar na boses.

"Ito love?" Napatingin ako sa nagsalita, I saw Ken with a beautiful girl he's hugging her at the back while he's helping her to find a new perfume and make up that it suits to her.

"Nah. Too strong. Nah love that's too dark, I want you to put light make-up you're pretty even though you don't wear make up." namumula naman ang babae at halatang kinilig, napangiti ako ng mapait ako dapat 'yan eh ako dapat ang sinamahan nyan. I hate this, i hate the fact that i was just a dust in his life.

Nothing but a dust, nothing's important. Pinunasan ko ang luhang kanina pa pala tumutulo. Umuwi na lang ako pagkatapos. It's exact 8pm when he's home kasabay neto ang pagdating din nila Mama at Papa kasama sina Tita at Tito. Ngumiti lang ako sa magulang ko.

"Juliana hija, magandang gabi." Ngumiti lang ako at niyakap sina Tita.

"Magandang gabi din po, nako pasensya na at ngayon lang po ako natapos sa pagluluto pinauwi ko kasi ang mga maids mama para ako na mag-asikaso dito sa bahay wala naman akong ginagawa eh." Ngumiti lang sila sa'kin at umupo na sila, tinignan ko si Ken na bumaba at nakabihis na hindi na ako umimik nang umupo s'ya sa tabi ko.

"How's life hija? Are you two good? Pinapagod ka ba netong anak ko?" tanong ni Tita. Yumuko ako at Kumain na lang, hindi lang po pinapagod kundi sinasaktan tagos hanggang puso.

"O-okay naman po pero.." Napatingin sa akin si Ken at tinignan ako ng masama.

"Ano 'yun Juliana?" tanong ni Mama. Huminga ako ng malalim.

"I want an annulment.."

---

Nakangiti na tinignan ko ang bahay namin. Napakaganda pa din neto, nakita ko si Papa na naghihintay sa pintuan.

"Anak hija, sa wakas at umuwi ka na din akala ko dun ka na sa new York always eh. I miss you it's been a years!" Tumawa ako at niyakap ang babae ko, tumili naman si Mama nang makita ako at inakay sa loob ng bahay.

"Nako pa ngayon lang ako nakauwi dahil sobrang busy ko po talaga eh." Ngumiti ako. Pagdating ko sa sala ay napahinto ako nang makita ko si Ken sa sofa naghihintay dala ang rosas kasama ang magulang n'ya. Ngumiti lang ako ng awkward.

"Una na kami sa kitchen anak, sunod kayo okay?" Tumango lang ako at tinignan si Ken. Tumayo sya.
"Kamusta sa new york?" casual na tanong n'ya i answer him too.

"It's good and I love my work." kuminang ang mata ko nang maalala ko ang pinaggagagawa ko sa new york.
"I-i'm sorry.." tinignan ko s'yang nakayuko na. Ngumiti naman ako.

"It's o--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may yumakap sa akin sa likod. Ngumiti ako.

"Mi amor, sorry natagalan ako Kinuha ko pa ang baggage ni Maja eh." Tumawa ako at hinalikan s'ya sa pisngi.

"It's okay, isama mo si Maja sa kusina nandun sina Mama. Susunod ako. I love you." hinalikan ako neto sa noo at dinala ang anak namin sa kusina na ngayon ay hirap na hirap sa bagahe.

"You look so happy.." Napatingin ako kay Ken na nakalimutan kong nandyan pa pala, ngumiti ako at tinignan s'ya.

"Thanks to you." Napatingin s'ya sa akin at nakita ko ang pagsisisi sa mukha n'ya."Ikaw? Kamusta kayo ni May?"

"We're done Juliana. The day you left is the day I saw her naked with my friend." nakita ko ang galit sa mukha n'ya. Nabigla ako sa nalaman ko. I feel bad for him.

"I'm sorry, I didn't know that." Tinapik ko sya sa balikat.

"Sana ikaw pinili, minahal, at iningatan ko hindi sya. I am blaming myself because of what happened between us, in our marriage. I regretted it, I regret that I signed the annulment paper." tumulo ang luha sa mata n'ya. I look deep into his eyes.

❝I am the diamond you left in the dust. I am the future you lost in the past.❞

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now