REMEMBER

13 2 0
                                    

-🥀

Napatawa ako nang inis na inis na s'ya dahil hindi n'ya makuha ang teddy bear. Umiiling na lang ako kasi 'yung katabi n'yang bata halos nakalima na, bago pa lang naman 'yun sa tabi n'ya s'ya halos kanina pa.

"Nakakainis!" sabi nya. Sumandal naman ako sa machine.

"Pwede naman kasing bumili bakit ba pinahihirapan mo sarili mo." natatawa kong sabi sa kanya, tinignan naman nya ako at Inirapan. Taray.

"Gusto ko 'yung pinaghirapan kong ibigay sa'yo, kagaya ng paghihirap ko nang makuha ka." Kinindatan nya ako at natawa na lang ako. Palusot pa eh.

---

"Wuuhhooooooo!"

"Aahhhhhhh tama naaaa!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napapikit at Napahawak ako ng mabuti sa kanya nang pababa na naman kami, pagkatapos ng rides ay tinignan ko s'ya ng masama.

"Ayaw ko ng sumakay sa rollercoaster na 'yun nakakamatay!" tawa s'ya ng tawa habang ginigiya ako paalis."Anong nakakatawa ha?"

"Pft. Kasi love napaka-epic ng mukha dun sa taas hahahaha." umirap lang ako. Niyakap n'ya naman ako."When i'm with you, I feel like I'm in heaven because no matter what you do you're beautiful and you amaze me in every thing you do. I love you love."

"I love you more."

---

"Wag mo na kasing kunin 'yan babe, kahapon pa tayo dito ah balik ulit tayo dito ngayon hindi mo talaga 'yan makukuha!" sabi ng babae na hawak ang isang bata. Napatangin naman ako sa lalaki na ngayon ay seryoso na kumukuha ng teddy bear.

"I want to get this, kahit ilang taon na akong naglalaro neto hindi ko pa din makuha-kuha. Nakakainis!" napangiti naman ako sa reaksyon ng lalaki. Tatalikuran ko na sana sila nang may tumawag sa'kin.

"Louriz. Nandito pa pala, long time no see how are you?" huminga ako ng malalim at hinarap s'ya. Ngumiti naman ako at nakita ko s'yang hawak ang isang teddy bear. How i wish we're still together, ako ang pagbibigyan mo n'yan.

"I'm f-fine, and finally nakuha mo na ang teddy bear." natatawa pero nangingilid na luha kong sabi sa kanya, he smile at Kinuha ang bata sa gilid n'ya at binigay dito.

"Here you go son." Tinignan naman n'ya ako. Those looks I wanted to see even before, nakakamiss ang panahong kami pa ang magkasama sa lugar na'to.
"Nanganak na pala s'ya hindi ko alam, tsaka kamukha mo." Ngumiti naman ako at hinalikan n'ya ang bata.

"Yeah." we were silent just looking at each other. Seconds, my tears slowly flow down he was about to wipe it when a girl touch his hand.

"Let's go babe. Rides naman tayo!" hinila s'ya neto at nakangiti naman itong nagpahila. Napapikit ang mata ko at umiiyak na umupo sa isang upuan. Tinignan ko s'yang papaalis, kagaya ng pag-alis n'ya sa buhay ko.

❝Remember all the things you and I did first? And now you're doing them with her.❞

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now