♔ Prologue ♔

6.1K 232 33
                                    


Gusto kong lumabas pero wala kong kasama. Nakakayamot lang, para akong ewan dito. Hindi ko naman pwedeng yayain si Kuya dahil baka magpalibre ng magpalibre sa akin.


Wala na ba talaga akong kasama?


*Ting!*


GOOD IDEA! Alam ko na! Isa lang ang taong naiisip ko sa ngayon. Si Angel! Alam kong hindi makakahindi yun pagdating sa pasyalan. Siya na lang yung yayayain ko. I carefully dialed her phone number and agad naman nya itong sinagot.


"Hello? Oh bestie?" Sagot ni Angel mula sa kabilang linya.


Mukhang kakagising lang netong babaeng to ah? Tanghali na, ngayon pa lang gigising?!


"Bestie, pwede mo ba akong samahan?"


"Saan ba?" tanong nya.


"Sa mall, nakaka-pasyal ako eh."


Please say yes, please say yes.


"Istorbo ka. Pero sige na nga.. Maliligo lang ako saglit."


YES! Sabi na nga ba, hindi nya ako mahihindian e.


"Okay. Sunduin kita."


Kahit na niloko ako ng boyfriend ko, nagpapasalamat pa din ako dahil may kaibigan akong handang damayan ako sa ganitong sitwasyon.


"Kwentuhan mo naman ako."


Bakit nya kaya nagawa sa akin 'yun? Edi sana kami pa hanggang ngayon. Nakakapanghinayang.


"Bestie?"


Nagkulang ba ako? May mali ba sa akin? Malayong mas maganda naman ako doon sa Mitchelle na 'yun.


"Uyy Nicole!"


"Ayy palaka!" halos pasigaw na sabi ko.


Kaloka! May iniisip ako eh, bigla bigla na lang akong yuyugyugin sa balikat. For pete's sake! I'm driving! Paano kung bigla ko na lang mabitawan 'tong manibela?


"Wala ka sa sarili mo. Kanina pa kita tinatawag. Sabi ko, mag kwento ka naman!"


"Na-nagko-concentrate kasi akong mag-drive! Oo, yun nga.. A-ano naman kukwento ko aber? Walang bago sa buhay ko. Ganun pa din."


"Weh? Di nga? Wala ka man lang bagong boyfie?" nakangiting tanong nito.


Bago agad? Di pa nga naka move-on may bago na?


"WALA! Shut up! Walang bago sakin, wala akong boyfriend. Pero may bago akong kinaiinisan." Iritang sagot ko.


Hindi ko pa din kasi makalimutan yung lalaking yon! Yung gulo gulo ang buhok. Mukha syang taong grasa sa buhok nya, parang hindi man magawang magsuklay.


"Sino? Sino na naman yan? Tara upakan na natin."


"Di ko kilala eh! Basta, nakakairita sya. Akala mo kung sinong gwapo! Eh hindi naman!" Nakakainis, naiinis na naman ako tuwing naalala ko 'yun.


"Chill bestie, chill. Nag-uusok na naman yang ilong mo." Pabirong sabi nya


Naglakad-lakad kami ni Angel. Natatawa ako sa outfit naming dalawa, siya naka high-heels, ako naman naka-wedge. Mas pinili ko na lang mag-wedge, di ko kaya yung pointed baka hindi ko mailakad ng maayos. Hindi naman kasi ako ganun ka-fashionista katulad ng bestfriend ko.


Pumunta kami ng 3rd floor, dito kasi kami madalas tumambay. Matagal-tagal din simula nung last na nagpunta kami dahil sa dami ng school works.


Dahil sa kamamadali ko at sobrang excited talaga ako, di ko namalayan na nasabit ang isang paa ko sa pintuan na sya namang pagkatapilok ko. Here comes the clumsy side of me. Hanggang dito ba naman Nics?!


Nakakahiya talaga! Nadamay ko pa ang isang lalaki at napahiga kami sa sahig. What the-I'm in big trouble.



To be continued..



Writer's Note:


There are some scenes that is not suitable for young readers. Cusses and playful scenes are present. Read for your own sake! :) Expect typographical errors, wrong grammar, and improper placement of punctuation.


Please use the hashtag #TCLSOYAM for tweeting. I just want to see your reactions regarding this novel. Thank you :)

The Complicated Lovestory of YOU and MEWhere stories live. Discover now