NICS' POV
Pagkatapos kong manood ng isang Romantic Comedy na movie, bumababa ako para kumuha ng tubig sa kitchen. Maghahanap na din ako ng makakain. Nalipasan na yata ako ng gutom.
Binuksan ko ang ref at bumungad sa akin ang cake na bigay ng ex-boyfriend kong manloloko.
"Manang! Ano po to?!" Sigaw ko.
"Ma'am ano po iyon?" natatarantang tanong ni Manang Trining.
"Di ba sabi ko, itapon mo tong cake na to?!" tinuro ko ang pwesto ng cake na nasa pangalawang layer ng refrigerator.
"Ah eh.. Ahh.. Ma'am Nics.. Ah kasi po ano.."
"Wag kang magalit kapatid, ako ang nag-ref dyan." napalingon ako sa likuran nang marinig ko ang boses ni Kuya Ryu. Holy Kabute talaga tong butiking to.
"At bakit mo naman ni-ref?!" sigaw ko.
"Malamang ire-ref ko. Alangan namang ilagay ko sa oven?"
Aba talagang namimilosopo pa tong payatot na to?! Sinusubukan ba nya ako? Wala ako sa mood makipag-biruan ngayon.
"Sumagot ka ng maayos!" sigaw ko ulit.
"Okay! Okay!" itinaas nya ang dalawang kamay nya para patigilin ako sa pagsasalita..
"Sayang naman kasi kung itatapon lang. Kaya naisipan kong kainin. Di ko naubos kaya ni-ref ko muna." ngumisi ito na parang aso.
Ang pangit mo nya pa din. Why in the world na naging kapatid ko ang isang tulad nya?
RYUJIN's POV
Tinignan ako ng masama ng kapatid ko. Nalaman kasi nyang hindi ko ipinatapon yung cake kay Manang Trining. kaya heto na naman sya. Lumalabas na yung aura nyang galing bulubundukin ng Mount Everest. Para syang mangangain ng tao. Paking tape! Gusto ko pa pong mabuhay!
"Patay-gutom ka talaga! Alam mo ba kung kanino galing yan?!" bulyaw nya.
"Alam ko kung kanino galing! Kaya nga kinuha ko di ba?"
"Bwiset ka. Alam mo yun?!"
Siguro kung nakakamatay lang ang mura, kanina pa ako namatay.
"Sayang naman kasi kung itatapon ko, madaming bata ang hindi kumakain no!" pagpapaliwanag ko.
YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
Storie d'amoreThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...