NICS' POV
Another day of pain. Ang hirap mag move-on, nasasayangan ako sa relationship namin ni Paolo. Paulit-ulit-ulit na lang na ganito, lagi kong naiisip kahit na hindi naman dapat isipin.
Pero teka nga, nasaan na ba yung charger ko? Lowbat na yung phone ko kaka-miss call ng taong yun. Nakakaperwisyo lang sya! Sabi ko ng tigilan na ako, pero sige pa din ng sige. Nakakainitindi ba talaga to ng tagalog? Dapat pala in'english ko na lang sya.
Nasaan na ba yung charger ko?
Hanap..
Hanap..
Hmmm.. Ang alam ko nilagay ko yun sa may couch kagabi eh.
Hanap..
Hanap..
Ugh! Wala din sa couch. Saan ko ba talaga nalagay yun?
*Ting! *
Bright idea!
Baka alam ni Mommy!
"Bago lang kayo dito?" rinig ko ang boses ni mommy na para bang may kausap sa terrace.
Sumilip ako sa malaking window malapit sa kanila at binuksan ito ng konti para marinig ko kung ano yung usapan. No, I'm not eavesdropping. Curious lang ako sa kausap ni mommy. Bihira lang kasi syang may kausap dito sa Village namin.
"Ah oo, kakalipat lang namin last week, gaano na kayo katagal dito?" sagot ng ginang
I finally saw her face. Mga nasa 40's na siguro sya. Infairness, ang ganda nya. Mukhang syang teenager sa damit nya. She's a beauty! Ang graceful ng galaw at ang cute nyang ngumiti.
Sino kaya sya?
"Matagal na din. Magfi-fifteen years?"
"Wow, ang tagal na pala.. Ilan naman ang anak mo?" tanong ng ginang.
"Dalawa, isang babae at saka isang lalaki, ikaw?"
"Ako, tatlo. Dalawang boys at saka isang girl."
Ang sweet nyang magsalita. Parang kaboses nya yung mga nagvo-voice actress sa mga koreanovela. Omg. Siguro magaling syang kumanta.
Parang ngayon ko lang yata sya nakita dito-?
YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
RomanceThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...