NICS' POV
"Teka wait! Magbibihis muna ako. Di ako comfortable sa uniform ko." I said and he let go of my hand.
Buti na lang every duty may dinadala akong extra clothes. Hinanap ko agad ang comfort room at binilisan ang pagbibihis. May another surprise na naman ba sya?
"Tapos na." nakangiting sabi ko paglabas ng comfort room.
Hinawakan ni Migs ang kamay ko at hinila papalabas. He's too excited at hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng pool.
What the hell.
"Tara?" nakangising sabi nito.
Bigla akong kinabahan. Iba kasi yung pakiramdam ko pag nasa pool o kaya naman nakalublob sa tubig. Kinakapos kasi ako sa hininga, parang naka set na yung utak ko na kapag ita-try kong lumangoy, malulunod ako at mamamatay.
"I-I can't swim."
Binitawan ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko pa lang na magsu-swimming kami, parang gusto nang umatras ng mga paa ko. I just can't swim. I don't know how to swim.
Kinuha nyang muli ang kamay ko at hinigpitan ang pagkakahawak nya.
"Trust me."
"Why would I?" pagtataray ko.
He chuckled.
"Because I'm a swimmer." he winked.
Ang yabang ng lalaking to. Sige, sabihin na nating swimmer sya. Pero paano pag nalunod ako? Marunong ba syang mag-perform ng CPR? He can't. Hindi naman sya health care provider tulad ko.
Hindi sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan. I'm just scared. Naiinis ako kasi natatakot ako ng walang malalim na dahilan. Kalokohan di ba?
"Sa gilid na lang ako, isa-sawsaw ko na lang yung legs ko."
Napabuntong-hininga ito.
"If that's what you want.." he smiled.
Hinubad nito ang sapatos na suot nya, pati na din yung shirt—What the hell..
Napatalikod ako.
Alam ko namang boyfriend ko sya, pero letche naman! Bakit ba ako napatalikod? This is not the first time na makakita ako ng abdomen na ganito. Si Kuya Ryu nga pag nasu-swimming, nakikita ko din yung abs nya eh. Pero bakit pagdating kay Migs parang binagyo ako ng hiya?
![](https://img.wattpad.com/cover/32069803-288-k913956.jpg)
YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
Roman d'amourThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...