Patuloy na nagpapatugtog ng sweet songs ang DJ. Kaartehan nga naman ng bestfriend ko, kailangan ba talagang may DJ pa?
Napatingin ulit ako kay Paolo, he's looking at me. Di yata niya inaalis ang tingin nya sa akin. Hindi na ako komportable, gusto ko ng umuwi pero katatapos ko lang kumain. Baka sabihin ng mga tao, eat and run ang ginawa namin ni Migs.
Tumayo sya at akmang pupunta sa pwesto namin.
Gosh. Eto na yung kinatatakutan mo Nics! Gumawa ka ng paraan!
Dali-dali ay hinila ko si Migs sa gitna.
"W-wait." he mumbled.
Pati sya nagtaka sa ginawa ko.
"B-bakit mo ako hinila dito?" nagtatakang tanong nya sa akin.
Inilagay ko yung mga kamay nya sa baywang ko at pinatong ko naman sa balikat nya ang mga kamay ko.
"Sumayaw ka lang please."
Nanlaki yung mata nyang singkit.
"Uhm. Ano kasi.. D-di ako marunong sumayaw."
Kitang kita sa mukha nya ang pagkahiya.
"Seryoso ka?" Natatawang tanong ko.
He slowly nodded at namula sya. Ang cute nyang umamin, para syang tuta na bagong panganak.
Nagbago talaga yung tingin ko sa kanya since nung nakasama ko sya sa Boracay. Let's say na may pagka masungit sya, pero mabait din pala tong isang to.
PAOLO's POV
Nahinto ako sa paglapit kay Nics, hinila nya kasi sa gitna yung bagong boyfriend nya. Wala akong choice kundi bumalik na lang sa pwesto namin nila Lance.
Tinawag ko yung nagseserve ng drinks at kumuha ng marami. Sabay sabay kong ininom para naman kahit papaano, mawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Pre, tama na yan." pang aawat ni Lance
"Masakit pala pre, tignan mo. Ang saya saya ni Nics."
Ininom ko ulit yung isang glass.
"Pre, tama na." ngayon, si Nathan naman ang umawat sa akin.
"Pre, once lang to. Once lang."
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/32069803-288-k913956.jpg)
YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
RomanceThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...