Kaaga-aga sinama ako ni mommy sa paglalakad nya. Sabi ko, gamitin namin yung kotse para mas mabilis, ayaw naman nya. Ang taas pa naman ng araw, baka umitim ako at wala ng magkagusto sakin.
"San ba tayo pupunta mommy?" Tanong ko
"Dyan lang." Matipid na sagot nya.
Nice answer, Pilipinong Pilipino.
Parang ganito lang yan eh.. Pag may nagtanong kung anong oras na, ang isasagot "maaga pa". At saka eto pa, pag may nagtanong kung kumain ka na, ang isasagot naman "busog pa ako." Tsk, minsan hindi ko talaga naiiintindihan eh. Pwede naman kasing sagutin ng direct.
"Hay nako." Pagmumukmok ko.
Parang wala naman kaming pupuntahan eh, kanina pa kami naglalakad.
"Uy Olive? Kamusta?" Tanong ng isang ginang kay mommy.
Kilala ko to ah. Sino na nga kasi?
"Uy Marge! Okay naman. Ikaw?"
Ay oo nga pala! Si Tita Marge! Kaya pala pamilyar yung mukha. Sya yung kakuwentuhan ni mommy kahapon.
Nag-bless ako sa kanya.
"Ate Nics?!" Sigaw ng batang kasama ni Tita Marge at niyakap ako.
Wait. Sino naman tong batang to? Kung makayakap akala mo close kami. Pero infairness ha, ang cute nya. Gusto ko syang iuwi sa bahay! She's really cute!
"Ate Nics! Kilala mo pa ako? Ako si Lhen." sabi ng bata
Lhen..
Lhen?
Lhen! Ay oo! Si Lhen! Yung cute na batang nasa playground. Omg!
"Uy Lhen! Kamusta?" Tanong ko.
"Okay lang po." Sagot naman nito.
"Mommy, mommy." hinila ni Lhen ang damit ni Tita Marge. "Siya yung sinasabi ko sa inyo."
Ahhh wait. Mommy? Anak ni Tita Marge si Lhen? Wait.. Naloloka ako. Kaya pala ang cute ni Lhen, kasi ang ganda ng mommy nya. And it turns out na si Tita Marge pa! What a coincidence. Ang ganda ng lahi nila. Si Gab, gwapo, mabait at magalang, si Lhen naman sobrang cute! Sigurado ako, paglaki nya, madaming lalaki ang manliligaw sa kanya.
"Ahh, siya yun baby?"
Ha? Ano daw? Ba't parang naguguluhan ako? Anong meron? Bakit may bulong factor pa silang mag-ina?
YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
RomanceThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...