NICS' POV
Nakasandal sa gate si Kuya Ryu at nakasaluksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya. He looks so tired. At bukod doon, mukhang may malalim din syang iniisip. I wonder who or what it was. Siguro babae na naman.
"Baby, hindi kaya tayo pagagalitan ng mommy at kuya mo?" nag-aalalang tanong ni Migs nang ihinto nya ang kotse sa tapat ng gate.
I'm not sure. Malakas ang ulan kagabi kaya may exemption naman siguro kapag ganung situation di ba? At tsaka nandito na ako. I'm back in one piece.
"Hindi yan baby." I answered in assurance.
Unang bumaba si Migs sa kotse. At bago nya ako pagbuksan ng pinto, binati nya muna si Kuya. Agad namang ngumiti si Kuya na kanina'y nakasimangot at malalim ang iniisip.
Okay. My brother is getting weird.
"Belated happy birthday Sisa." natatawang sabi ni Kuya nang makababa ako ng kotse.
Napatitig ako sa kanya. Nasa katinuan pa ba sya? Mukha talaga syang pagod. Hindi na sya mukhang gwapo, mabango, at habulin ng chix.
"Galit ba si mommy?" I asked.
"Di ba sabi ko sa'yo, may freedom ka na. Savour the moment." masiglang sabi nito.
What a weird guy.
"Where's my gift?"
Mas lalo pa itong natawa sa tanong ko. Ang bastos nya talaga! Sabi nya bibigyan nya ako ng gift. Tandang-tanda ko pa yung gabing 'yon!
Tinapik-tapik nito ang balikat ko. "You're too impatient. Matuto kang maghintay."
Pinanliitan ko sya ng mata. Maghihintay pa ako? Wow. Baka naman niloloko lang ako neto? Baka naman wala talaga akong gift tapos sinasabi nyang meron?
"Tulungan mo ako, iakyat natin yung mga nasa backseat." sabi ko.
Napakunot ang noo nya. "Anong meron? Si bayaw na lang.. May lakad ako." sabi nito sabay check sa cellphone nya.
May lakad na naman? Napapadalas ang lakad nya. Sino na naman kayang ime-meet nyang chicks? Haaay. I feel sorry for those girls na nabobola nya. Ako na mismo yung humihingin ng tawad para sa kapatid ko.
"Ayan na pala."
Huminto sa tapat namin ang isang puting kotse. Ilang sandali lang, bumaba ang bintana at nakita ko ang mga kabarkada ni Kuya sa loob. Teka.. Magha-hiking na naman ba sila?
"Hi Nicole." bati ng isa sabay kindat sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/32069803-288-k913956.jpg)
YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
RomanceThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...