MIGS' POV
"Congrats Mr. Hernandez, ang galing ng performance mo sa Stage kanina. Ang dami mong fans." masayang sabi ni Sir nang makabalik kaming lahat sa classroom.
I shook my head.
Buti nga nakapag-perform pa ako ng maayos kahit na malalim ang iniisip ko. Pinili ko na lang yung pinakamadaling piece para hindi ako mahirapan o magkamali. It's good to hear that they love my performance a while ago.
"Thank you for this day, you can go home." saad nito habang nag-aayos ng papers sa table nya.
I'm tired. Kulang na kulang ang tulog ko. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Si Nics kasi.. God, I can't help myself from looking at her while she's asleep. Napaka-soft ng expression ng mukha nya.
"Dude, pasabay naman ako. Kahit ibaba mo lang ako sa Bus Station." sabi ni Kevin nang papalabas kami ng classroom.
"Nasaan yung motor mo?"
Nagkamot ito sa ulo nya. "Nabangga kasi ako sa pader noong isang araw. Buti na lang talaga hindi ako napuruhan."
"Kawawa naman yung pader dude." pagbibiro ko.
"Grabe! Ang bait mo talagang pinsan!" halos pasigaw na sabi nito na may kasamang mahinang suntok sa braso.
Mabait talaga ako.
Isinampay ko sa balikat ko ang gitara ko at naglakad papuntang parking lot.
Napatigil sa paglalakad si Kevin at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Dude, kilala mo ba yung mga yun?"
Hininto ko ang paglalakad at tumingin sa likuran. There's a bunch of people na nakasunod sa amin. Some of them are gossiping, and most of them are smiling so big.
"I didn't know any of them." halos pabulong kong sabi.
Nakatayo lang kami ni Kevin sa hallway hanggang sa may lumapit na isang babae mula sa grupo ng mga tao na nakasunod sa amin.
"Kevin and Migs Hernandez right? Yung mga nag-perform kanina sa Stage?" she asked in soft voice.
"Ahhh, YES! Kami nga yun! Why?" sabi ni Kevin at inilahad ang kamay nya.
Tinignan muna ng babae ang kamay ni Kevin na para bang nag-aalinlangan pa syang makipag-kamay sa pinsan ko. After how many seconds, inabot naman nya. Para nga lang napilitan. What an attitude..
"Pwede ba kaming magpa-picture?" she asked
YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
RomanceThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...