Naghanda si mommy ng masarap na dinner. Ang daming food! Tataba na naman ako nito. Lalo na ngayon, wala akong boyfriend. Kailangan ko ng food para ma-relieve yung stress ko.
"Na-miss ko tong Fipilino food. Na-miss ko ang luto ng mommy niyo." ngiting ngiting sabi ni daddy.
"Wow ha dad, baka na-miss mo lang si mommy." sagot ko.
If I know, bola na naman yun.
"Syempre naman Nics anak, araw-araw ko nga yang nami-miss doon eh."
"How sweet naman! Nilalanggam ako Dad!" I said while smiling.
"Kamusta naman kayo mga anak?"
Ako? I'm fine.. Yeah, fine. Ahh hindi pala, trying to be fine.
"Okay naman Dad."
Nakangiting aso na naman si Kuya, nakakaasar! Hindi niya bagay maging mabait.
"Okay lang po." Sagot ko
"Ryu, binabantayan mo ba tong kapatid mo?"
"Ahh opo dad! Syempre naman!"
I rolled my eyes.
"Tsssss.. Freak." Bulong ko.
"Baka naman may boyfriend ka na Nics ha?"
"P-po? W-wala po Dad! Promise." Wala na po.
"Wala? Di nga anak?"
Oo dad, maniwala ka na please. Broken na broken na nga ako, di ka pa naniniwala sakin.
"Bwahahahahaha!" Tumawa nang tumawa ang payaso kong kapatid.
Nakakainsulto lang.
"Natawa ka Ryu? May boyfriend ba tong kapatid mo?"
"Ahh, e-ewan ko po?"
Pinandilatan ko siya ng mata.
Mapapahamak ako sa ginagawa neto eh. Humanda siya sakin mamaya!
"Nics, may boyfriend ka ba anak?"
"Wala po dad." agad-agad kong sagot.
Bawal pa kasi akong mag-boyfriend. Ayaw pa ni daddy kasi masyado pa daw akong bata. Tinago ko lang nga yung relationship namin ni Paolo sa kanya eh.

YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
RomanceThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...