Chapter 12

1K 97 13
                                    

Nakita kong nagmamadaling umalis si mommy. Tumitingin pa siya sa paligid kung may nakakakita ba sa kanya o wala. Like hello? I'm here.


"Mommy? San ka pupunta?"


Nagulat ito at napahinto.


"Sa Mall anak, bibili lang ng mga makakain para sa outing bukas."


"Sama naman ako? Para mabili ko din yung gusto kong pagkain."


Baka kasi kung ano na naman bilhin nya. Gusto ko ako yung pumili para sure. Picky eater pa man din ako.


"W-wag na anak, ako na lang. Kung gusto mo kayo na lang ni Kuya mo mamaya. Oh sige, alis na ako ha?"


"Ma saglit lang, yung a.."


*Blag!!!*


Agad nyang sinara ang pintuan ng kotse.


Hala? Napapano yun? Masama bang sumama? Nako naman, si kuya kasama ko? No way. Mag-isa ko na lang.


Pumunta ako sa may swimming pool at binabad ko ang mga paa ko sa tubig. Kailan kaya ako matututong lumangoy? Bakit kaya everytime na lulusong ako sa pool o sa dagat natatakot ako? I really can't remember the last time na nagbabad ako ng matagal sa pool.


"Nasan si Mommy?" Tanong ng Kuya


"Maagang umalis, nasa Mall." Sagot ko


"Oh? Kanina pa? Gabi na ah?"


Hindi, umaga palang nga eh. May stars na nga di ba? Malamang gabi na!


"Alam ko!"


"Ay grabe lang, ang sungit sungit sungit sungit ng talaga ng kapatid ko." binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.


"Tssss, tigilan mo nga ako!"


Mang-aasar na naman ba sya? Sorry ah, wala ako sa mood. Baka ano lang magawa ko sa kanya pag pinagpatuloy niya yan.


"Iniisip mo pa din ba siya?"


Anong klaseng tanong yan Kuya? Yung totoo?


"Di." Matipid na sagot ko.


"Ows? Pano?"


Umupo ito sa tabi ko at ibinabad din nya ang mga paa nya sa tubig. Huminga ito ng malalim at mukha syang seryoso. Seriously? Di nya bagay, mukha syang aso.

The Complicated Lovestory of YOU and MEWhere stories live. Discover now