MIGS' POV
Saturday morning nandito na ako sa Mansion. Naabutan kong naglilinis ng bakuran sina Nanay Elsa, Tatay Ben at ang iba pang katiwala. They were happy to see me again, so am I.
"Migoy, kain ka na. May hinanda akong almusal sa hapag-kainan." Nakangiting sabi ni Nanay Ela habang nagwawalis sa hagdanan.
"Salamat po."
Dumiretso ako sa dining area. Nakahanda doon ang iba't ibang putahe ng pagkain.
Napatingin ako kay Nanay Elsa. Ngumiti ulit ito.
Kumuha muna ako ng pagkain tsaka umupo ako sa pinakadulo ng lamesa. Nakakatawa, this table is too long. Ang lungkot sa pakiramdam dahil mag-isa ko lang kumakain. Kapag yayayain ko naman ang mga katiwala, tatanggihan naman nila ako.
"Darating po ba si Lolo Paeng?" I asked.
Ang daming pagkain. Hindi naman ako ganun katakaw para ubusin ang lahat ng 'to. Kung alam ko lang, edi isinama ko sana si Gab.
"Mamayang tanghali po."
Inubo-ubo ako at agad uminom ng tubig.
"P-po?"
"Sabi niya, dadating daw sya mamaya kaya kami nagluto ng maraming pagkain." She said and gave me a wink.
Minadali ko ang pagkain ko. I need to get out of here bago pa ako madatnan ni Lolo Raphael.
Hindi naman sa ayaw ko syang makita, sadyang hindi lang ako handang kausapin sya. I do miss our bonding pero.. hindi ko talaga sya kayang harapin sa ngayon.
Pagkatapos kong kumain ng mabilisan ay tumayo na agad ako.
"Nay Elsa, may pupuntahan lang ako saglit."
Uuwi na lang muna ako, may next time pa naman para magpunta pa dito. Besides, I can go whenever I want.
Palabas na ako ng main door nang makita kong may nag-park ng kotse sa tabi ng kotse ko. Nakaramdam ako bigla ng kaba.
Sabay sabay na binati ng mga katiwala si Lolo Raphael na kabababa lang ng kotse. He's wearing simple clothes, ibang-iba sa suot nya kapag nasa opisina sya.
Nakangiti itong naglakad papunta sa akin.
"It's good to see you again apo." Sabi nito at niyakap ako.
"I-it's good to see you too." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ano pong ginagawa nyo dito?"

YOU ARE READING
The Complicated Lovestory of YOU and ME
RomanceThings are always complicated. From simple to complex, from mild to severe, from small to large, from short to long, from easy to difficult, from near to far, from sweet to bitter, from let go to move on, from start to finish, and from ME to YOU. ...