Chapter 30

868 75 13
                                    

NICS' POV


Di ko maintindihan tong si Miguel, nagsusungit na naman. Sobrang tahimik nya ngayon, di ko alam kung bakit. Wala naman akong nagawa di ba? Meron ba? Ang saya lang nya kaninang photoshoot.


"Kain ka ng mabuti ha?" Sabi niya sakin sabay abot ng pagkain at inumin.


Tinitigan ko lang sya.


"Hmmm? Bakit?" Tanong nya


"Sigurado ka bang okay ka lang?"


"Yes." Ngumiti ito ng malaki.


Obvious naman na napilitan lang syang ngumiti. Ako tuloy nahihirapan.


Tssss! Ano ka ba Nics? Ba't nahihirapan ka? Eh sya naman yung may problema hindi ikaw! Hay nako!


Mag-gagabi na nung mag-decide kami na umuwi. Nanood pa kasi kami ng sine. Then after nun, di ko inaaasahan na may mangyayari pa.


Nakita ko si Paolo together with Kenneth.


"Nic nic!" Sigaw ni Paolo


"Oh? Paolo? Kamusta?"


Guma-gwapo tong ex ko ah. Nag break lang kami, gumwapo lalo.


"Okay lang, ikaw?" seryosong tanong nya.


"Nics, gumaganda ka ah." Sabi ni Kenneth


"Nako Kenneth ha! Bolero ka pa din, kaya nabibilog mo lagi yung ulo ni Angel e." natatawang sabi ko.


Napansin kong tahimik lang si Migs.


I knew it, awkward sa part nya. The last time na nagkita sila ni Paolo, nagkasapakan silang dalawa.


"Uhm, Paolo.. Si Migs nga pala. Migs, si Pao.."


"Nice to meet you pare." Sabi ni Paolo


"Nice to meet you my face, nag meet na tayo, nagkasapakan pa nga e." Bulong ni Migs at tumingin sa malayo.


Hinampas ko sya ng mahina sa balikat.


"Umayos ka." Bulong ko sa kanya.


Inilahad nya ang kamay nya.


"Nice to meet you." Malamig nitong sabi.


Haaay nako.


Di agad nagbitaw ng kamay ang dalawa kaya kinabahan na ako. Baka mamaya silang dalawa yung magkatuluyan at maiwan na naman ako. HAHAHAHA joke! Ano na naman ba tong naiisip ko?!

The Complicated Lovestory of YOU and MEWhere stories live. Discover now