Chapter 42

667 55 9
                                    

NICS' POV


Umuwi na din ako ng bahay pagkatapos kong makipgag-usap kay Angel. Mas naliwanagan ang pag-iisip ko ngayon kaysa kanina.


Totoo kaya yung offer sakin ni Kuya na sya na lang yung magpapa-aral sa akin? Kasi kung seryoso sya dun.. No if's and no but's, papayag ako. Hindi ko naman gusto sa States e. Bakit ba kasi pinagpipilitan ni Daddy na doon ako mag-aaral? Pwede namang dito di ba? May School of Medicine ang IU, and take note ha, kilala to sa pagpu-produce nga mga magagaling na Doctors dito sa Pilipinas. Konting effort lang siguro ang kailangan ko para ma-convince si Daddy na wag na kaming umalis dito.


Napabuntong hininga akong pumasok ng gate.


"Hoy." Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko.


"Bwiset!"


Tumawa ito ng tumawa.


"Alam mo, naisip ko.. Pwede talaga akong maging artista. Bukod sa gwapo, matangkad, makinis, at mabango ako, kaya ko ding umacting."


Tinaasan ko sya ng kilay.


"Umacting?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


Pinatong nya ang kamay nya sa bunbunan ko at tsaka ginulo-gulo ang buhok ko.


"Oo." biglang sumeryoso ang mukha nya at tumingin sa malayo.


Ramdam kong may mabigat syang dinadala. My brother is a strong person at ni minsan hindi nya pinakita sa akin yung weak side nya. He never asked for my help, he never asked me to give him some advices, and he never cried. At ngayon.. Ngayon ko lang nakitang ganito sya.


"Hoy." halos pabulong na sabi ko.


Tinignan nya ako sa mga mata.


"H-hoy!" Sinuntok ko sya ng mahina sa braso. "Napano ka?!"


"I know, I'm not a good brother.. Sira ang ulo ko at—"


"Buti alam mo!" I murmured.


"Shh. Let me finish first." Napabuntong hininga ito. "Sira ang ulo ko at lagi kitang inaasar.. Iniiwan kita sa School minsan kahit na alam kong walang susundo sa'yo, tinatawanan kita pag nagkakamali ka, inaagaw at kinukuha ko yung pagkain mo lalo na kung wala ka, hindi kita binigyan ng magandang advice pag may problema ka, sinasabi ko sa iba ang sikreto mo—"


I rolled my eyes.


"Gago ka e."


Ngumiti ito at hindi ko alam kung ngiti ba talaga yun o napilitan lang sya.


The Complicated Lovestory of YOU and MEWhere stories live. Discover now