Chapter 44

746 54 5
                                    


MIGS' POV


It's been a week simula noong um'attend kami nang binyag ng anak ni Paolo. Tama nga si Nics, cute nga yung baby. But still, the father doesn't know how to handle his child well. Mukha syang takot kaya umiiyak yung bata kapag sya na ang nagka-karga.


Gumising ako ng maaga para mag-prepare ng surprise. This is the day. 


Sinabihan ko si Ryu na sya muna ang maghahatid kay Nics para ma-execute ko ng mabuti ang plano ko.


"Ang aga mong nagising bro." sabi ni Gab na nagtatanggal pa ng muta sa mata.


"May gagawin lang." inayos ko ang buhok ko at naglakad papalabas.


Huminto ako malapit sa main door at hinarap si Gab.


"May klase ka ba ngayon?" I asked.


"Meron, pero mamayang 2 o'clock pa."


Napangiti ako ng malawak.


"Samahan mo ako, ililibre kita."


Nanlaki ang mga mata nito at ngumiti na para bang mapupunit na yung bibig nya.


Alam na alam ko ang kahinaan ng kapatid ko. He loves food. Mas mahal pa yata nya yung pagkain kaysa sa mga naging girlfriends nya.


"Maghihilamos lang ako." nakangiting sabi nito.


"Make it fast."


Nagpatugtog muna ako ng music while waiting for my brother. Ang sabi ko, make it fast not make it slow. He doesn't seem to care kung lang oras yung nasasayang dahil sa kabagalan nyang kumilos.


After a couple of minutes, lumabas na din sya ng bahay.


"San ang punta natin bro?"


"Debut kasi ni Nics—"


"Talaga?! Ngayon ba yun?!" gulat na tanong nito.


I nodded.


"Magpapatulong ka sakin?"


I nodded.


Nagkibit balikat ito. "You really can't live without me huh?"


"Experience is the best teacher. You have more experience than me in this kind of things. That's why—"


He raised his left hand and pinched his nose using his right hand.


The Complicated Lovestory of YOU and MEWhere stories live. Discover now