CHAPTER 13

318 11 0
                                    

Sorry for late UD. Enjoy reading. I dedicate this chapter for you kasi love mo si Zach :D

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ana's POV

*KRINGGG!!*

“Alright! That’s all for today. Good bye.” Mam Ramirez

“Huy, Ana! Gising na. Tapos na ang klase.” Lidsey habang niyu-yugyog ako.

Sa totoo lang nasasanay na ako sa babaeng to. Lagi na lang siya ang gumigising sa akin.

Iniangat ko na ang ulo ko at umayos ng tayo.

“Tara na!”  Kate

Tapos na ang klase at ang lahat ay nagsisibalikan na sa dorm nila.

Ngayon ang araw ng paguumpisa ko sa pagtetraining. Pumasok muna ako sa kwarto namin at nagpalit ng mas komportable na damit.

Basta lang ako kumukuha ng damit sa cabinet. Pare-pareho naman kasi ang damit ko. Nagpantalon ako at hoodie. Yun lang naman kasi ang matino kong damit bukod sa pantulog.

Pagkabihis ko ay lumabas na ako.

“Ana, good luck sa training mo” Kate

“Oo, nga kaya mo yan!”  Lidsey

Isinara ko na ang pinto at dumiretso na sa training room ng S-Class. Mas maganda daw doon kasi malawak at mas maraming pwedeng gamitin doon.

Naglakad na ako at nakarating doon.

Pagkabukas ko sa pintuan.

Gumulong ako para iwasan ang isang fire ball. Muntik na ako doon.

“Para saan iyon?” tanong ko

“Late ka na kasi, Ms.” Erol

Sa pagkasabi niya noon ay pinaulanan na niya ako ng mga apoy niya.

Iwas lang ako ng iwas.

Hanggang sa nakakuha ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya at sipain siya sa tiyan. Napatigil naman siya ng saglit.

“Balak mo ba akong patayin?” Ana

“Huh! Gusto ko lang matapos na agad ito.” Erol

“Tch.”Ana

Nagapoy ang kanyang kamao at nagsimulang pagsusuntukin ako. Siyempre umiiwas ako. Iwas ako ng iwas. Sa pag-iwas ko ay nararamdaman ko na ang pagod.

Mukang hindi training ang kinalabasan ngayon kundi isang surviving game.

Napansin naman niya na napapagod na ako kaya naman tumigil na siya.

“Mukang hindi lalabas ang super mo, kapag ganito ang paraan na gagamitin.” Erol

Inilagay naman niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang ba-ba at nagisip. Samantalang ako ay napasapo sa aking katawan. Inilapat ko ang aking mga palad sa aking tuhod at hinahabol ang aking paghinga.

“I get it!” Erol

“What?” Ana

“Why don’t you try not to avoid my attacks? Saluhin mo. Kasi lumalabas ang isang super kapag na sa panganib ang nagmamayari nito. Malay mo gumana.” Erol

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon