CHAPTER 19

170 7 0
                                    

Ana's POV

Nang makarating na kami sa opisina ni tanda ay kumatok na kami.

"Sino yan?" rinig namin sa loob.

"kami ito tanda." Sagot ko sa kanya

Hindi niya kaagad kami nasagot, di tulad ng dati.

"Come in." utos niya

Pinihit na namin ang pinto ng madatnan namin na may kausap pala siya kaya siya natagalan.

Pumasok na kami at nakita si Zach na kausap si tanda. Pinaupo kami ni tanda duon sa may sofa at hinintay namin na matapos silang dalawa. Nang papatayo na si Zach natigil ito.Tiningnan ko ang mga kasama ko at nakitang tumigil din sila.

Isa lang ang alam kong makakagawa nito.

"Maari na kayong lumabas" tanda

Napalingon naman ako sa kanya. Hindi rin siya tinatablan ng time control?

"Teka, tanda paanong..."

Bigla namang may lumabas doon sa may kabilang pinto na sa pagkakaalam ko ay isang C.R.

"Hi Ana!" sigaw ni Erlyn patakbo sa akin sabay yakap.

"Uy Ana andito ka pala." Sheena

Nakabalot parin sa aking muka ang pagtataka.

"Kayang kontrolin ni Sheena kung sino lang ang tatablan ng time control niya, kaya niyang pilin kung sino lang ang maapektuhan." tanda

"Tama!" masayang sambit ni Erlyn.

Kung sabagay si Erlyn nga hindi naapektuhan ng time control niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko

"Ah kasi kami yung unang kausap ni headmaster, biglang namang kumatok itong lalaking to kaya no choice kami kundi magtago." Sheena

"kasi nga diba bawal kami magpakita." Dugtong ni Erlyn

Tumango na lang ako. Kung ganoon bakit hindi na lang niya ginamitan si Zach ng time control niya? Bakit kailangan pa nilang magtago sa C.R.?

"Bigla naman kayong dumating kaya naisip ko na baka mainip na sila doon sa banyo kaya naman pinalabas ko na sila." Biglng sambit ni Tanda

"Ah-eh sige, labas na kami mukang marami pa kayong paguusapan. Bye!" Erlyn

"Ana, mauna na kami." Sheena

Tumango na lang ako. Pagkalabas nila ay bumalik na sa dati ang lahat. Tumayo na si Zach at lumabas na parang hindi ako nakita.

Tinawag na kami ni tanda at sinimulang magreport tungkol sa aming misyon.

Ipinakita namin ang nagiisang bagay na natagpuan sa lugar na iyon. Isang gintong hairpin. Kinuha iyon ni tanda mula sa amin at ipinadala sa mga magsusuri nito.

"Maraming salamat mga bata. Dahil sa misyong ito ay mabibigyan kayo ng pagkakataon na makabisita sa isang engrandeng selebrasyon ng council sa kanilang matagumpay na pamumuno ng 3,000 taon. Gaganapin ito sa katapusan ng buwan." Tanda

Nanlaki naman ang mga mata ni Alliah. Bigla siyang naging excited sa okasyong iyon.

"Headmaster, maaari niyo na po bang sabihin sa amin kung paano nakalabas ang Chaser?" pag-iiba ni Erol.

Talagang sabik na siyang malaman ang tungkol doon.

"Patungkol sa usaping iyan, isa lang ang masasabi ko. Maaaring ito ay dahil sa kanilang cloak. Ang cloak na iyon ang kanilang instrumento para makadaan sa lagusan." Tanda

Ngayon ay nakuha ko na kung bakit hindi maiwan at maalis ang kanilang cloak sa kanilang katawan. Kung tatakas siya ay pupwede niya naman itong iwan pero kailangan nila ito upang makatawid sa kabila.

Mukang naintindihan at nakuha na rin naman ni Erol ang sinabi ni tanda.

"Kung wala na kayong itatanong ay ipapaalala ko lang sa iyo Ana na malapit na ang practical test na kukuhanin ng mga transferees. Handa ka na ba?" tanong niya sa akin.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya. Malapit na nga iyon.

"Kung ganon ay hindi mo pa ito napaghahandaan. May inihanda ako sa iyong isang araw ng training kasama si Lance. Bukas na iyon kaya naman pumunta ka sa open field bukas ng ala-sais ng umaga." Tanda

Sumangayon na ako sa kanya dahil planado na ang lahat.

"Kung gayon ay maaari niyo nang gawin ang iba pa ninyong kailangang gawin. Tapos na tayo sa araw na ito." Tanda.

Tumango si Alliah at nanguna sa paglabas. Pagkalabas namin ay humarap siya aming direksyon.

"Maraming salamat po sa inyong dalawa. Sana po ay magkasama pa po tayong muli sa isang misyon." Alliah.

Tumango lang ako pero itong isa dirediretso lang na naglakad palayo.

Pagkasabi niya noon ay naglaho na siya at mukang nagteleport na. Naglakad narin ako patungong dorm.

+++++++++++++++++++++++++

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang dalawa na naghaharutan. Nakadagan si Lidsey kay Kate at pilit inaabot ang hawak ni Kate na notebook.

Dinaanan ko lang silang dalawa at dumiretso sa aking kama. Nang mapansin nila ako ay tumigil sila at kinamusta ako.

Bigla ko namang naalala yung tungkol sa s-pet.

"Meron ba kayong s-pet?" straight kong sabi as if not so much interested.

Natigilan naman yung dalawa at nagkatinginan sa isa't isa.

"Ay! Oo nga pala! Hindi namin nasabi sa iyo Ana ang tungkol doon." Lidsey

"Hindi kasi lahat nakakakuha ng s-pet. Meron namang nakalaan na s-pet sayo ang kaso kailangan gustuhin ka ng s-pet mo. Kailangan gusto ka niya bago mo siya maging s-pet." Kate

"Pagminamalas ka nga naman, wala kasi kaming dalawa ni Kate. Ayaw sa amin ng mga pet namin." Lidsey

So kailangan pang i-tame kunbaga.

Tumango na lang ako at dumiretso na sa paghiga.

"Thanks." sabi ko sabay talikod sa direksyon nila.

Wala na akong narinig pamula sa kanila kundi ang pagbukas ng pinto na sa aking palagay ay lumabas muna sila.

Headmaster's POV

Pagkalabas nila ay kinuha ko ang pinakaiingatan na aklat ng eskwelan. Ang Aklat ng Propesiya.

Nakasulat dito ang maaring mangyari sa mga susunod na araw at wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung kalian at kung saan ito patungkol.

Isa lang ang alam kong makaksagot nito.

Ang isang oracle maiden.

TO BE CONTINUED.

————————————

Maikli ang UD. Mahaba po yung sunod :)

Stay tuned.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon