CHAPTER 17

229 7 0
                                    

Ana's POV

Nagsimula na ang seminar. Nakihalubilo na rin kami para makapagobserba. Nag-concentrate ako sa pagdama kung narito ba ang presensya niya. May kumulbit naman sa akin.

Pagharap ko ay si Zach pala.

"Okay ka lang?" Zach

"Yeah." Ana

"Are you sure?" Zach

"Why not?" Ana

"Kanina pa kasi kita kinukulbit hindi ka lumilingon." Zach

"I'm fine." Ana

Bumuntong hininga na lang siya at tumahimik. Bumalik ako sa konsentrasyon. Nagpatuloy lang ang seminar pero wala namang nangyayaring masama.

Nakatakas na kaya ang Chaser na iyon? Nakalabas kaya siya? Pero hindi maaari yun kasi si tanda lang ang may kakayahan magpalabas.

Paano niya natatago ang presensya niya.

"Tinatawag po ang pansin ni Ms. Ana Oxford ng Class D at si Mr. Erol Anderson ng Class S. Kung maari lamang po ay pumunta kayo sa may room sa backstage." Emcee

Tumayo naman ako at agad na pumunta sa tinutukoy ng emcee pero may humigit sa kamay ko. Lumingon ako sa direksyon niya.

"What's the problem?" Zach

"Nothing, just personal." Sabi ko naman at tanggal sa kamay niya pero hinigit ulit niya.

"Did he beat you?" nakakunot na noo niyang sabi.

"Huh! I will never be beaten by him." Sabi ko at dumiretso na muli sa tinutukoy ng emcee.

Nagkasabay kami ni Erol sa paglalakad. Narinig ko ang ilang bulong bulongan ng iba. Ano bang problema?

Nang makarating kami ay binuksan namin ang pinto at nadatnan si tanda na nakaupo.

"Ano pong balita headmaster?" Erol

"Nahuli na namin siya, nakita namin siya sa isa sa mga room sa dorm. Dahil lahat ng estudyante ay nasa seminar ngayon ay pinalibot ko ang mga Senior Teachers sa buong eskwelahan para tingnan kung may naiwan o hindi umattend. Sumuko naman siya ng maayos. Pinasunod ko na rin yung ibang Senior teachers na nagbabantay dito at ngayon ay papunta na rin ako para tingnan kung ano na ang nangyayari. Sa inyo ko na muna ipapamahala ang seminar na ito." Tanda

"Pero hindi maari iyon. Kailangan namin siyang makita." Sabi ko.

"Tama po siya headmaster, kami po ang nakakaalam kung siya nga iyon." Erol

"Hindi na kailangan, nakita na sa mga gamit niya ang ginamit niyang maskara at itim na kapa. Kayo muna ang bahala dito. Patapos narin naman ng ilang sandali ang seminar dahil biglaan nga lamang ito." Tanda

Pumasok na siya sa isa pang pinto sa kwartong iyon at umalis na.

Tumayo naman ako at balak na sundan si tanda. Hindi ako papayag na hindi ko siya makikita. Itatanong ko sa kanya kung anong binabalak nila. Papasok na rin ako sa pintong pinasukan ni tanda ng may humigit sa akin at napa-upo ulit sa sofa.

"Ano bang problema mo? Kung gusto mo magpaiwan ka dito sa walang kwentang seminar na ito!" sabay tayo ulit at naglakad patungo sa pinto.

Hinila naman niya ulit ako at napaupong muli. Sumusobra na siya kakahila sa akin.

"You listen first." Kalmado niyang sabi.

Kumalma naman ako dahil mukang seryoso ang sasabihin niya.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon