CHAPTER 3

3.6K 13 1
                                    

Nakarating na kami sa dapat naming puntahan.

Punong puno ng puno ang paligid. Matataas at mukhang mga century old trees ang mga ito. Puro tuyong dahon lang ang makikita mo sa lapag at ang buwan na naghahatid ng kaliwanagan sa lugar.

“ Ano ba tong lugar na to?” tanong ko kay Lance

Inabot na kami ng gabi, sa pagbyahe,at dito kami bumaba sa mapunong lugar na ito.

Kung isa kang normal, matatakot ka sa nasa paligid mo,para kasing may naninirahan na kung ano dito.

Pero ako hindi natatakot, alam ko kasing hindi ako normal tsaka sanay na akong magisa, kaya wala na akong nararamdaman na kahit ano mang takot.

“andito na tayo sa Sacred Pavilion.” Untag ni Lance

Inilibot ko ang mata ko pero tila wala talagang makitang kahit anong pasukan or kahit na gate man lang, sabi niya kasi ang Sacred Pavilion daw ang daan para makapasok sa SHPM.

“We’re exactly just in time.” Saad nito

Biglang lumakas ang hangin, sumayaw ang mga puno at unti unting nabibiyak ang lupa. Sabi ko na nga ba, as I expect, isa nanamang kakaibang trick., o sabihin na nating magic.

Habang nabibiyak ang lupa, unti unti nitong iniluluwa ang isang kulay brown na tent.

Siguro naman iyon na ang sacred pavilion.

Nang matapos ang pagyanig, naglakad na si Lance, Syempre sumunod ako, papasok sa tent.

Ang tent ay parang isang Scaffold na ang laki ay parang isang kubo lamang.

Hinawi na ni Lance ang telang pinto nito.

At pagpasok namin, laking gulat ko ng iba ang itsura nito keysa sa labas, sobrang laki nito sa loob, may mga halaman at isang building na walang ding ding at puro haligi lamang ang nagpapatayo roon, kulay puti ito at bagay na bagay sa lugar, para akong na sa isang paraiso.

Kahit gulat ako hindi parin mahahalata iyon.. kasi pinapatay ko ang ekspreyon ko sa mukha, ayokong may makakita ng ekspresyon ko.

May nakita naman akong isang arko na may nakalagay na, SACRED PAVILION.

So eto na pala iyon.

“Welcome back Lance.” Untag ng babaeng papalapit sa amin sabay yakap dito.

Siya ung babae sa hologram, maliit pala siya, pero napakaganda at napakakinis ng mukha nito, walang bahid ng anu mang dumi. Ang buhok nito ay umaabot sa kanyang  balakang.

Hanggang Dib Dib lamang ni Lance ang Babae at hangang balikat ko lamang ito. Hindi kami higante ni Lance, pero masasabi ko na mas matangakad sa akin si Lance ng konti. Hanggang tenga naman ako ni Lance..

“Thank you Athena.” Sabi nito sa babae.

Bumaling naman ang babae sa akin..

“Welcome to Sacred Pavilion, Ms. Oxford” saad nito sa akin.

Wala naman akong ginawang reaksyon ng ilahad nia ang kanyang mga braso para akoy yakapin.

Tumango na lang ako, bilang kompormasyon at pasasalamat.

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Patungo kami ngayon sa building na puro haligi lamang ang nagpapatayo.

Nang makarating kami, binigyan nila ako ng isang panulat. Ball pen na may pak pak.

“Anong gagawin ko dito?” tanong ko                 

“Isulat mo ang iyong pangalan sa ding ding” saad ni Athena

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon