CHAPTER 21.5

216 6 0
                                    

Water Super at Media :)

Enjoy Reading.

Zach's POV

Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na panoodin si Ana. Kahit ilang araw ko na siyang hindi kinakausap. Wala akong lakas na lapitan siya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ako ang dark user. Na hindi talaga ice ang super ko.

Nalaman ko rin na siya pala ang heaven user at hindi ko matanggap na iyon ang super niya.

"Sisimulan na natin ang stage 2 ng exam, maghanda na kayo." Sabi yan ni headmaster

"Kayo ngayon ang mauuna. Ipapakilala ko na kayo sa lahat." Dagdag pa niya.

Alam ko na kung paano ito at kung ano dapat ang ipakita dito. Kami ang bubunot ng kapalaran namin. Kami ang bubunot sa kalaban namin.

"Alam kong alam niyo na ang mechanics dito pero may iniba lang ng konti. Sa halip na kapwa transferee niyo ang makakalaban ay isa sa mga elemental at sub-elemental users ang makakalaban niyo." sabay aro sa amin ng isang fish bowl.

Unang bumunot si Sheena, sunod si Erlyn at panghuli ako. Binaliktad naman nila ngayon ang pagkakasunod. Mauuna ngayon ang pinakahuli kanina.

Kaya ibig sabihin patatlo ako at sunod sa akin si Ana.

Binuklat ko kung anong super ang nabunot ko.

Earth.

Isa lang ang nagmamayari nito. Si Lance. Mukang mahihirapan ako dito.

Naghanda na si Sheena sa kanyang makakalaban. Alam kong kaya niya ito. Matalino si Sheena, magaling siyang gumawa ng tactics.

Lumabas naman sa monitor si headmaster at may inannounce sa lahat.

"Good day students. I would like to hereby present to you the rare types. From now on, they are allowed to be treated well, inaprubahan na ito ng council. Those who object for a good treatment for them will be punished. The first three students that you will see in this stage 2 exam will be the rare types. Give them a warm welcome." Headmaster.

Ilang bulong bulungan rin ang namuo pero sa huli ay nagpalakpakan ang lahat. Ano pa nga ba ang magagwa nila. Apporved na ang existence namin.

Finally, hindi na kami magtatago though matagal ko ng nareveal ang identity ko but in a wrong way.

Lumabas na Sheena.

Sumunod naman yung makakalaban niya si Athena. Nagulat ako dahil siya ang makakalaban ni Sheena. Mukang alam ni Sheena na mahihirapan siya dito.

Pero alam kong alam nilang dalawa kung ano ang kaya nilang gawin. Athena is a sub-elemental user. At ito ay ang mga bulaklak. Flora super.

Maraming nagiisip na walang kwenta ang ganitong super pero kung alam niyo lang ang kayang gawin ni Athena. Siya ang nagtrain sa samin noon at alam na alam ko kung gaano kahirap siyang kalabanin.

Nagsimula na silang dalawa at naunang tumira si Athena. Puro petal blades ang pinaulan niya kay Sheena. Iniwasan naman niya ito lahat. Mabilis kumilos si Sheena.

Napansin ko na nag-iba na ng kulay ang mga mata ni Sheena. Kung kanina ay itim naging violet na. Ibig sabihin ginagamit na niya ang super niya.

Nagpaulan ulit si Athena ng petal blades pero mas madami na ngayon at imposibleng hindi tatamaan si Sheena kahit daplis lang.

Finastforward naman ni Sheena ang oras ng kanyang pagtakbo kaya nakaiwas agad siya kahit hindi nabago ang oras na pagtira ni Athena.

Strictly prohibited daw si Sheena na patigilin ang oras sa paggalaw ng kanyang kalaban. Ang kailangan daw nilang makita ay kung paano makikita kay Sheena ang super at ability niya. Iyan ang sabi sa amin dati ni headmaster nung kaming tatlo ang naglaban laban.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon