CHAPTER 6

774 15 0
                                    


Enjoy Reading!

Girl's Uniform on the side ----------------------------------------->

+++++++++++++++

Natapos ang school hours.

Bumalik na sa kani-kaniyang dorm ang mga estudyante.

Erol’s POV

Sino ba ang babaeng yun.

Kakatransfer pa lang niya ang angas na niya.

*Flashback*

Papunta kami sa cafeteria para mag-almusal.

Kasama ko ang barkada ko.

“Kyahhhh! Andito na sila!!!!!” sigaw ng mga babae pagkapasok namin sa loob.

Hindi naman sa nagmamayabang ako. Kami kasi ang mga malalakas at mga gwapo sa SHPM.

Dun kami lagi umuupo sa gitnang bahagi ng cafeteria kaso may mga hindi talaga natututo at inaagawan parin kami ng pwesto.

Pero sa nakikita ko ngayon walang balak na umalis ang mga mokong na nakaupo sa mesa namin.

Kapag kasi nakikita na paparating na kami umaalis na ang mga nakaupo sa bahaging iyon.

Pero iba ata ang grupong ito ah.

Tapos na silang kumain at nagkukwentuhan na lang.

“Ahh, pare, pedeng kami naman.” Tanong ni Jam

Pero hindi siya pinapansin nung kinakausap niya.

“Ahmm, excuse me, miss pwede bang kami naman?” tanong naman ni Ian sa babaeng katabi nung pinagtanungan ni Jam

Nagulat yung babae. Napatulala sa kagwapuhan ni Ian.

Tumigil naman sa pagtawa yung lalaking katabi ng babae.

Lumingon ito sa amin at nagkuyom ng palad.

“Pare ano bang gusto niyo ha?” sabat sa amin nung lalaki.

“Upuan kasi namin yan.” Sabay turo ko sa pwesto namin.

“Pasensya na pare, humanap na lang kayo ng ibang upuan, nakaupo pa kami.” Lalaki

Nagpapatawa ba to. Hindi ba niya kilala kinakausap niya.

Agang-aga binabadtrip ako nito ah.

“Hindi mo ba kami nakikilala?” tanong ko sa kanya.

“Kilala.” Tipid na sagot nung lalaki.

“Oh, yun naman pala. Alis na.” utos ko.

“Hindi pwede, masyado ka nang nagmamayabang ditto, panahon na para baguhin yon.” Tumayo siya bigla at sinuntok ako.

Hindi ako tanga para saluhin yon kaya naman nailagan ko. Tinulak ko siya kaya napaupo ulit siya sa upuan.

Nagsitabihan ang mga tao.

Mukang mapapalaban ako ah. Mabuti naman pantagal bagot.

Akmang susugod na ulit siya ng naunahan ko ito ng suntok sa tiyan. Tumilapon siya malapit sa padulong table.

Sina Jam at Ian naman, ayun nakikipaglaban din sa 2 pang kasamang lalaki nitong mokong nato at ung dalawang babae naman ay nagsitabihan.

“Arghhh!” sigaw ng lalaking kalaban ko habang tumatayo at nakahawak sa parte ng kanyang tyan.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon