CHAPTER 21.9

213 8 2
                                    

Erol's POV

Hindi ko akalain na ang lalaking iyon ay isa palang rare type. Nagsinungaling siya sa lahat.

Pero sino bang may pakialam kung nagsinungaling siya?

Patuloy parin siya sa pakikipaglaban kay Lance.

Dark user.

Delikado ang super na ito. Kadiliman ang nababalot sa kapangyarihang iyon. Hindi kaya, likas sa kanya ang pagiging masama?

Lahat ng bagay na madaanan ng itim na usok at ilaw nito ay nawawalan ng buhay. Hindi biro ang makalaban ang isang tulad niya. Pero dahil sa ang kalaban niya ay gumagamit ng lupa at isa sa elemento ay nahihirapan siyang kalabanin ito.

Natapos ang laban nila at nanalo si Lance. Pero maganda rin ang naipakita niya sa laban kahit may galos siya.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumiretso na sa sandfield sabi kasi sa akin ng operator sunod na daw ako. May isa daw kasing makakabunot sa akin dahil hindi even ang mga transferee ngayon.

Pagakalabas ko sa sandfield ay agad kong narinig ang ingay ng lahat. Tsk!

Inabangan ko kung sino ang makakalaban ko at hindi na ako nagulat ng makita ko kung sino iyon.

Magandang laban ito. Kung dati hindi niya ako nagamitan ng super niya sa pakikipaglaban sa akin. Ngayon sigurado akong gagamitin na niya ito.

Humanda na siya at inabangan na magsimula ang timer.

Nakalagay lang ang dalawa kong kamay sa bulsa ko. Titingnan ko muna kung paano niya gagamitin ang kanyang super.

Nang magsimula na ang timer ay parehong walang gumalaw sa amin. Parehas naming inaabangan ang isa't isa.

Nang wala pa ring gumagalaw sa amin ay nagdesisyon akong atakihin siya. Nagulat ako ng magsabay kami sa pagtira.

Tinira ko siya ng 3 sunod sunod na fireball at naiwasan niya naman ito. Tumira siya ng kanyang weapon.

Kung tutuusin dapat hindi na niya ito ginagamit dahil ang dapat niyang ipakita ay ang super niya.

Mabilis ko naman naiwasan ang mga tira niya.

Sunod na tinira ko ang kanyang paa sa pamamagitan ng fire blaze. Nagkalat ang apoy sa baba at ang epektibong pagiwas dito ay ang tumalon at manatili sa ere.

Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pero hindi ko pahuhupain ang apoy sa baba.

Pagkatalon niya ay mukang nahulaan niya na hindi ko ihihinto ang apoy kaya ginamit na niya ang super niya. Nagpalibot siya ng puting liwanag sa paa niya at kitang kita habang pagbaba niya na nawawala ang apoy sa ibaba.

Hindi niya inalis iyon sa paa niya dahil nagkalat parin ang apoy sa ibaba. Tumakbo siya papalapit sa akin. Habang nawawala ang mga apoy sa dinadaanan niya.

Tinira ko naman siya ng sunod sunod na fire attacks at inihaharang niya lang ang kamay niya para maglaho ang mga iyon.

Niready ko na ang sarili ko at pinagliyab ang kamao ko. Nang makalapit siya sa akin ay agad akong tumira ng suntok. Sinanggahan naman niya ito ng kaniyang kamay at naglaho ang apoy sa kamao ko. Gaya ng inaasahan habang hawak niya ito ay hindi ako makakapaglabas ng apoy pero hindi niya mapipigilan ang impact ng suntok ko.

Napaatras siya ng konti at kumuha siya ng dagger at balak gamitin laban sa akin.

Gamit ang paa ko ay sinipa ko ang kamay na naghahawak ng dagger at tumilapon iyon sa kawalan.

"Huh! Not bad." Sabi niya sa akin habang nakangisi.

Dahil hawak parin niya ang kamay ko ay hinawakan ko na rin ang isa pa niyang kamay na gagamitin niya sa pagsuntok sa tiyan ko.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon