CHAPTER 10

651 15 1
                                    


Sorry for late UD

Warning: too many POVs, it may confuse you. Information overload din.

Feel free to ask! Tanong lang kayo sa akin kung san po kayo naguguluhan.

Enjoy reading mina!

+++++++++++++++++++++++++++++++

 ** Headmaster’s POV **

Napapaisip parin ako. Siya nga ba talaga?

Binasa kong muli ang libro. Hindi ko maiwasang maisip na maaaring siya na nga ito.

Nabigla na lang ako ng may kumatok sa pinto ng opisina ko.

“Come in.” untag ko sa kumakatok.

“Yo!” sabi nito pagkabukas pa lamang ng pinto.

“Oh! Ikaw pala iyan. Kamusta ka na?” sambit ko rito ng makaupo na ito sa unahan ko.

“Yan lang ba ang itatanong mo kaya mo ako pinatawag?” sambit niya ng may pagkadismaya.

“Hindi naman, masama na bang umpisahan ang usapan ng isang kamusta?” pagtatanong ko sa kanya.

“Sa tingin ko naman ay alam mo kung anong isasagot ko riyan.” Pagiwas tingin niya sa akin.

Napabuga na lang ako ng hangin. Suko rin ako sa isang to. Tigas ng ulo!

“*sigh* Kamusta na iyong dalawa? Bakit hindi mo sila kasama?” tanong ko.

“May inaasikaso lang. Pinapasabi nga pala nila na may hindi inaasahang nakakita na daw sa kanilang dalawa.” Sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Paanong?

“At wag ka daw magalala kasi SIYA ang nakakita sa kanila.” Dagdag nito

Duon ay parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib.

“Yoon lang ba ang kailangan mo?” pag-iiba niya ng topic.

“Ahh hindi, ang gusto ko ay kausapin ka ng masinsinan.”Headmaster

“Tungkol saan?” takang tanong nito.

“Ang akala mo ba ay hindi makakarating sa akin ang mga pinaggagagawa mo? Alam mo bang napakakomplikado niyon. Sinabi ko naman sa inyo na sa tamang panahon ko kayo ipapakilala.”untag ko rito ng may awtoridad.

Pero hindi ito tumugon sa tanong ko.

“Ano bang binabalak mo? Bakit lumabas ka na agad? At kinausap mo pa si Athena para ditto sa kalokohan mo.” Dagdag ko.

“Nakakasawa na kasi.” Malumanay na sabi nito.

“Alam ko naman iyon pero, sinabi ko naman sa inyo na maaayos din ang lahat.” Paliwanag ko sa kanya

Tumahimik ng panandalian.

“Sawa na akong tumingin lang sa malayo. Makitang masaya silang lahat habang kami ay nagtitiis at nakatago. Gusto ko rin maranasan iyon. Buong buhay ko ay lagi na lang kaming nasa likod ng mga anino.” Pagamin niya.

“Pero alam mo ba ang pwedeng mangyari sa iyo kapag nalaman na nila na isa kang Rare Type?” sambit ko sa kanya.

Tumahimik siya.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon