CHAPTER 4

414 17 0
                                    

Nasa tapat na kami ngayon ng isang pintuan.

Kumatok naman si Lance ng tatlong beses.

Bumukas ang pinto ng bahagya

Iniluwa ng pinto ang babaeng nakapajama na nagkukusot ito ng mata at ng matapos niya itong gawin, tumingin siya sa amin, napatapat naman ang kanyang tingin kay Lance

Nagulat ito at namula ang mukha

“Ahh g-good evening po, senior Lance, ano pong maitutulong ko?” sabi nung babae.

“Pinakikilala ko sayo ang bago niyong room mate, siya si Ana, Ana Oxford” sabi ni Lance

“Ahhh, h-hi, Ana, ako nga pala si Kate, halika pasok kana.” Inaya niya ako sa loob, nagbigay siya ng konting space sakto lng para makapasok ako.

“Sige na Ana, magpahinga ka na, kita na lng tayo mamaya” sabi ni Lance.

Tumango naman ako, pumasok na ako sa kwarto, tatlong kama ang nasa loob, ung isa malapit sa pinto at may babaeng nakahiga doon.

Siguro siya yung isa na ka-roomate nitong isang to at maging ako rin.

Ung isa namang kama ay malapit lamang ditto sa isang kamang malapit sa bintana.

At kung tama ang hinala ko duon ang kama ko malapit sa bintana kasi, wala man lang kagulo gulo ng kahit kaunti ang kamang iyon.

Ung babae namang sumalubong sa akin ay humiga na sa kama niya bale ung kama niya ay pinagigitnaan ng kama ko at kama nung tulog na.

“Ahh, Ana, pahinga ka na, mukang marami kayong ginawa kanina, sige tulog nadin ako meron pa kasing pasok mamaya” sabi niya pagkatapos ay pinatay na yung lamp shade sa tabi niya.

Ngayon ang nagsisilbi na lamang na liwanag ay ang buwan na tumatagos sa bintana, nakita ko sa dulo ng kama ko ang aking maleta,

Kinuha ko iyon at inilagay sa aking tabi.

Umupo ako sa kama ko, katapat ang bintana.

Ano na kaya ang mangyayari sa akin ngayon? Ngayon na nakaalis na ako sa mapangaping mundo ng mga mortal. Ano na kaya ang mga susunod na pangyayaring magaganap sa akin?

++++++++++++++++++++++++++

Headmaster’s POV

“Athena, alam kong alam niyo ang nangyayari. Maaring siya na nga ang matagal na nating hinihintay, pero hindi parin tayo nakasisigurado kaya dapat wala munang makaalam nito, alam kong may hinala narin si Lance pero sabihin mo muna sa kanya na wala munang dapat gawin at walang dapat makaalam. Sa tamang panahon na siguro pag nakita na talaga natin at isa pa dapat wala siyang malaman kahit isa dito, tayong tatlo lang dapat ang nakakalaam.” Sabi ko kay Athena

“Masusunod po, Headmaster.” Yumuko siya bilang paggalang

“Sige, magpahinga ka na rin, mukang marami rami pa tayong kailangang gawin mamaya.” Headmaster

“Sige po, kayo rin po ay dapat naring magpahinga. Aalis na po ako.” Athena

“Sige na, maraming salamat” headmaster

Tumayo na sya at lumabas na sa pintuan.

Sana tama ang aming hinala. Sana siya na nga.

++++++++++++++++++++++++

Ana’s POV

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang dalawa na napatingin sa akin.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon