CHAPTER 18

248 5 0
                                    

Enjoy reading :)

++++++++++++++++++++++++

Ana's POV

Kinabukasan ay ginawa na namin ang misyong sinasabi ni tanda dahil hindi nga namin nahuli iyong Chaser ay natuloy ito.

Papunta na ako sa training room ng Class S na bawal paring gamitin hanggang ngayon. Nakasalubong ko naman iyong Alliah na tutulong sa amin at bumati sa akin.

"G-good morning po." Sabi niya habang medyo nakatingin sa ibaba.

Tumango naman ako at tumuloy na muli sa paglalakad. Nang makarating kami doon sa training room ay nakaabang at naghihintay na sa may pinto si Erol at si Tanda.

"Mabuti naman at dumating na kayo." Tanda

Tahimik lang si Erol at mukang may malalim na iniisip.

"Dahil sa kasamaang palad na hindi natin nahuli ang Chaser ay kailangan nating magpatuloy sa mga napagplanuhan. Maaari na kayong magsimula." Tanda

Tumabi si tanda at pinapasok na kami. Bigla namang nagsalita si Erol.

"Saglit lang po headmaster." Erol

"Bakit iho?" Tanda

"Gusto ko lang po sanang itanong kung paano nakalabas ang Chaser na iyon." Erol

Sa tanong niyang yon ay bigla akong naging interesado. Paano nga ba nakalabas ang Chaser kung si tanda lang ang may kakayahan na magpalabas.

Lumalim namang bigla ang iniisip ni tanda.

"Ang katanungan mong iyan ay masasagot ko lamang sa loob ng opisina ko. Kaya kung gusto niyong malaman ay pumunta kayo sa opisina ko bago mag tanghalian." Tanda sabay alis na at pinaubaya na sa amin ang misyon.

Hindi ko alam pero mukang hindi basta-basta ang nalaman ni tanda. Bumuntong hininga naman si Erol at mukang wala ng magagawa kundi ang maghintay hanggang sa bago mag hapunan.

Pumasok na kaming tatlo sa Training room at nagsimula ng maghanap.

Narito parin sa loob ang bakas ng labanan. Hindi pa siguro ito inaayos dahil nga sa misyon namin.

Pumunta sa bandang tagiliran si Erol at nagtingin-tingin. Lumapit naman sa kanya yung Alliah at mukang may sinabi ito sa kanya. Matapos nilang mag-usap ay sa akin naman pumunta iyong Alliah.

"Ahmm, Ate Ana, kung gusto niyo pong pumunta sa kabilang bahagi sabihan niyo lang po ako." Alliah

Tumango naman ako sa kanya at pumunta sa kabilang gilid para maghanap na rin. Puro mga gas-gas ang nakikita ko at ang mga sira sa ibang mga kagamitan lang ang napapansin ko.

Busy din iyong dalawa sa paghahanap. Naglakad-lakad pa ako papasok dahil sobrang laki nito. Wala na akong masyadong nakikita kundi ang maayos na sahig at mukang wala namang kahina-hinala sa parteng ito.

Lumapit iyong dalawa sa akin.

"Kailangan nating malibot agad ang buong training room na ito." Erol

Inilahad naman ni Alliah ang kamay niya sa akin.

"Kapit na po Ate Ana, pupunta po tayo sa kabilang bahagi ng training room." Alliah

Hinawakan ko naman ang kamay niya at sa isang iglap lang ay nandito na kaagad kami sa kabilang bahagi.

Pinasadahan ni Erol ng tingin ang buong lugar. Napakunot naman ang noo niya at bigla na lang niyang iniluhod ng bahagya ang kanyang mga tuhod. Pumikit siya at bumuo ng isang maliit na apoy.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon