CHAPTER 14

358 12 1
                                    

Enjoy Reading Mina :D

+++++++++++++++++++++++++++++

Ana’s POV

*SNOOZE… SNOOZE… SNOOZE* (vibrate)

Bumangon ako at pinatay ang alarm clock. Ala sais pa lang ng umaga. Nakita ko yung dalawa na mahimbing pa rin ang tulog. Sabado ngayon kaya walang pasok pero kailangan kong maghanda para sa special training ko.

Pumasok na ako sa C.R. para maligo. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush. Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin habang nagtotoothbrush.

Tinitigan ko ang babaeng kanina pa nakikipagtitigan sa akin. Kahit sa repleksyon sa salamin, hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko kilala ang sarili ko. Yung tunay na ako.

Naligo na ako at nag ayos ng sarili.

Muli kong tiningnan ang dalawa na mahimbing paring natutulog. Lumabas na ako sa kwarto namin. Ilang tao pa lang ang nakikita ko sa paligid. Yung iba ay nakabihis para mag exercise.

Dumiretso naman agad ako sa training room ng Class S. Tumigil muna ako para pihitin ang pinto.

Sigurado ako na wala ng titira sa akin sa pagbukas ko ng pinto. Hindi naman ako siguro patatamaan ng yelo ni Zach.

Pero laking gulat ko ng iba ang bumungad sa akin.

Anong…

.

.

.

Erol’s POV

Pinihit ko ang pinto ng opisina ni Headmaster.

Mukang alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakatlikod na upuan ni Headmaster. Umikot ito para harapin ako.

“Hindi ko na babanggitin kung ano ang dahilan ng pagtawag ko sa iyo. Siguro naman ay alam mo kung ano ang pag-uusapan natin ngayon.” Headmaster

“Ayoko na.” sambit ko

“Hindi ka maaaring umayaw sa penalty na ibinigay ko.” Headmaster

“Masyado syang maangas. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, baka kung ano ang magawa ko sa kanya.” Erol

Buti na lamang at nakontrol ko pa ang aking sarili noong huli.

“Isa lang ang magiging resulta ng desisyon mong yan. Dahil sa madami ka ng na-skip na class, abiding the rules at hindi pagsunod sa mga penalties na ipinapataw sayo, it will result to only one thing. Restriction for your super. We will give you a restriction band, it  will last for two months based on your actions.” Headmaster

“What for?” Erol

“To learn your lesson.” Headmaster

“Pero… hindi ko naman ginagamit ang super ko para manakit.” Erol

“It’s true, pero it is the only way to make you learn your lesson. Hindi sa lahat ng oras ay ang gusto mo ang masusunod. You need to follow rules. Kung hindi mo pa rin masusunod ang pagbibigay namin ng restriction band. Expulsion na ang kasunod.” Headmaster

“We don’t train students to be rebel, we train them to be achievers.” Dagdag pa niya.

Nanahimik naman ako sa kanyang sinabi.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon