CHAPTER 5

1.1K 17 0
                                    

Nandito ako ngayon sa cafeteria, natapos naming libutin ni lance ng 30 mins lang ang buong eskwelahan. Nagtuturo at kung ano-anong pinagsasabi niya. Pero wala naman akong pakialam.

Kumuha ako ng isang ham sandwhich, isang slice ng hawaian pizza at isang tetra pack ng gatas. Libre muna ako sa pagkain ko ng isang linggo kasi nga bago pa lang ako.

Umupo ako sa pinaka dulo ng cafeteria kung saan un na lang talaga ang unoccupied.

Habang dumadaan ako, napapatingin ang iba.

“Girl, siya yata ung transferee, balita ko, maangas daw yan.” Someone

“Oh, talaga? Muka namang walang ibubuga, hahaha.” Another one.

Wala akong pakialam sa kanila. Umupo ako ng matiwasay, nakatalikod sa lahat at ang kaharap ko lang ay ang ding ding. Sobrang ingay naman ditto. Hindi ko naeenjoy ang pagkain ko. Gusto ko pa naman kapag kumakain ay tahimik lang.

Nabasag ang kaingayan ng magwagi ang katahimikan. Mukang may paparating at iyon ang kadahilanan ng kanilang katahimikan. Mabuti naman iyon at matatahimik na ang pagkain ko.

Pero nagkamali ako. Panandalian lang pala ito.                       

“Kyahhhh! Andito na sila!!!!!” sigaw ng mga babae.

Tsk. Bakit ba may nalunok silang mega phone? Hindi na ako matahimik sa pagkain.

Naramdaman ko na lang na umalis ung mga tao sa may gitnang parte ng cafeteria.

Parang alam ko na to ah, mukang pinaalis sila, at ung mga nagpaalis ay mga elites ditto sa school nato.

Mukang magkakaawayan pa ata ah.

Pero eto ako, wala akong pakialam sa kanila. Tatapusin ko lang ng maayos ang pagkain ko.

Umingay na ang mga tao, lumingon ako ng bahagya sa nangyayari, nakatalikod kasi ako.

Nakita ko na nagsususntukan ang mga kalalakihan sa may gitnang parte ng cafeteria at ang mga matiwasay na kumakain ay nagsitabihan at nanonood na lang.

Bale ako nalang ang kumakain. Sa hindi pa ako tapos kumain. Bumalik ako sa kinakain ko. Ineenjoy ko lang ang pagnguya ko pero silang lahat ay nababalot na ng takot at pagaalala.

Tss. Bahala sila.Basta ako kakain lang ditto.

Kukunin ko na ang huli kong kakainin na pizza. Kaso biglang may tumabig sa mesa ko. Natapon ang pizza at ang tetra pack na gatas ko.

“*sigh*” ako

Bakit ba kasi kailangan sa cafeteria sila magbugbugan meron namang open field.

Sirang-sira na ang pagkain ko. May nakita akong coke in can na gumulong sa paa ko.

Pinulot ko iyon at inihampas sa lalaking nakatabig sa table ko. Tumigil naman yung kabugbugan niya. Nayupi ang coke in can sa pagkakahampas ko.

Tumingin ng matalim sa akin yung lalaki. Tama lang yun sa kanya. Bakit ba siya nandadamay, pumunta lang naman ako ditto para kumain.

Walng emosyon ang lumalabas sa akin.  Nanggalaiti naman ang lalaking hinampas ko.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

“Kasama kaba nila?” lalaki

Inalis ko yung kamay niya. Wala akong panahon para makipagusap sa kanya.

Naglakad na ako paalis.

Naramdaman kong parang may tatama sa akin, yumuko ako ng bahagya at nailagan iyon. Tumahimik ang paligid.

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon