CHAPTER 1

617 17 0
                                    

“ikaw! Oo ikaw!, Wala kang kwenta! Lagi mo na lang kami pinapahiya sa maraming tao! Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Salot ka! Anu bang meron sayo na nakasusulasok kapag nakikita kita!”

Bigla na lang niya akong sinipa at inginudngod sa lupa

Naging madilim ang paligid..nawala ang babaeng kanina pa akong binubulyawan at sinasaktan

Walang anu-ano’y may narinig akong nagsasalita

“wala siyang kwenta, ipamigay na lang natin siya! Wala siyang madadalang mabuti sa atin.. HALIMAW SIYA!”

HALIMAW SIYA

HALIMAW SIYA

HALIMAW SIYA

Paulit- ulit at palakas ng palakas..

HALIMAW SIYA! HALIMAW SIYA!

HAHAHAHAHAHAHAH! HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAAH!

Sumabay ang mga nakakainsultong tawa…naghalo-halo ang mga tinig

NAKAKABINGI

NAKAKAIRITA

ANSAKIT NA SA TENGA!

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!

 

Napabalikwas ako sa aking kama..hingal na hingal at pumimipilit na makakuha ng hangin..habang ang  aking mga pawis ay naguumaapaw…napasapo ako sa aking noo

“Bakit ba hindi sila mawala sa isipan ko!”  nasambit ko sa aking sarili

Bumangon ako at inayos ang aking kama nang medyo balisa tsaka naghilamos …

Bumaba ako para magluto nang aking almusal…

Kababa ko lamang galing sa aking kwarto ng may narinig akong  kumalabog sa itaas.

Dahan dahan akong bumalik pataas

Nang makarating ako sa tapat nang aking pinto, maingat ko itong pinihit…

Nang aking mabuksan… bumungad sa akin ang isang malakas na hangin na nanggagaling sa aking bintana…ang kurtina nito ay talagang lumilipad sa lakas ng pwersa na nagpapalipad dito…

Isinara ko ang bintanang hindi ko naman binubuksan… alam ko na may pumasok sa aking silid lingid sa aking kaalaman…

Nang maisara ko na ito…ay may nakita akong isang lumang papel na nakalagay sa lamesa sa gilid ng aking kama…

Kinuha ko ang papel…nang mabuklat ko ito,,may mensaheng nakalagay

Dear Ms. Oxford,

        We are pleased to inform you that you have been accepted at School of Human Powers and Magic.

        Students shall be required to report at the Sacred Pavilion upon receiving this message.

                                                                Truly yours:

                                                        Professor Hemsworth

Note: This letter will self-destruct after reading this message. Thank you!

Tapos sumabog na yung sulat.

Teka wala naman akong natatandaan na nagapply ako sa isang school sapagkat walang tumatanggap sa akin,meron man ay pinapatalsik  nila ako sa tuwing nalalaman nila na kakaiba ako.

Tutal wala na rin naman yung sulat, bumalik na ako sa baba para makakain.

Nang makakain ako.. pumunta muna ako sa banyo at ginawa ang mga ritwal tulad ng panliligo atbp..

Napagisip-isip ko na, kung pupunta ako sa school nay un, hindi ko alam kung papaano ko pupuntahan sapagkat wala naman nakalagay na address sa sulat.

Gayon rin lamang, kinalimutan ko na ang tungkol sa sulat at nagayos na lamang ako nang aking kwarto.

Habang naglilinis ako, nakita ko ang lumang kahon na tinago ko noon.

Ang sabi nang nagiwan nito sa akin, ang nilalaman ng kahong ito ay ang buong pagkatao ko at mabubuksan ko lamang ito sa tamang panahon.

Pero kailan kaya ang tamang panahon na iyon..gusto ko ng malaman kung sino talaga ako.

Kung may pamilya ba ako, kung san nanggaling ang mga kakayahan ko na hindi nagagawa ng iba, kung kahit minsan man lang ay may nagmahal sa akin.

Inayos ko ang kahon na medyo nakatagilid mula sa ilalim nang aking kama nang may napansin akong maliit na papel, pinulot ko iyon, katulad ng papel kanina ang maliit na papel na hawak ko.

Unti- unti kong binubuksan ang maliit na papel mula sa pagkakatupi nito.

Habang binubuklat ko ito ay may kumalabog sa ibaba. Pinuntahan ko agad ang ibaba nang aking bahay, nakita kong wasak ang pinto, natanggal ito mula sa pagkakakabit sa semento.

Gulo ang mga gamit sa salas, wala sa tamang posisyon ang mga ito.

Bumagsak rin ang aparador na katabi ng upuan. Ang itsura ng aking salas ay isang malaking dumi na animoy may buhawing dumaan.

Sa sandali ng kalabog na iyon ganito na kaagad ang nangyari sa ibaba. Sino o ano nanaman kaya ang gumawa nito sa bahay ko.

Lumingon ako sa paligid baka hindi pa ito nakakalayo. Paglingon ko sa kusina

Merong..

.

.

.

Merong lalaking nakaupo sa isa sa mga silya sa hapagkainan

Nakasuot ito ng black na leather jacket at pantalon na may helmet na hawak sa kanyang kaliwang kamay.

“Sino ka?” tanong ko  

Ngumiti siya at sinabing…

 

TO BE CONTINUED

SUPERHUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon