Chapter 5

363 17 1
                                    

Tahimik lang ako sa boung byahe. 'di ko sya pinansin simula umalis kami sa school. Paano ba naman kasi 'di ko ine-expect yung banat nya!

'di charot lang. 'di ko talaga alam yung sinabi nyang batas. Ang hirap mag ka-crush sa mga matatalino sizst!

"Ohh ngayon tatahi-tahimik ka" he broke the silence between us.

"H-hindi kaya, may iniisip lang ako" shocks! Bat kasi ako inuutal!

He glance at me for a second bago binalik angn tingin sa kalsada. Parang sinasabi nya sa tingin na yun na hindi sya naniniwala.

"Totoo naman kasi!" I rolled my eyes at him

He let out a amused chuckle. Shocks tawa pa lang heaven na! Bye Dad at my dear brothers! I'm getting married.

"Why so defensive? I didn't say anything" his eyes are still on the road

I was about to speak pero naputol yun ng tumunog ang cellphone nya. Sinulyapan nya iyon at kinuha sa dashboard.

"Hello" his voice sounded so formal tapos ang lalim pa! Abogadong-abogado ang datingan.

"I'm on my home. Let's talk about it tommorow" he ended the call and throw his phone on the dashboard

"Taray tinatapon-tapon lang ang Iphone 14 ahh" I teased him

Tinignan nya ako at inirapan. Aba! Anong nangyari dito? Lakas ng moodswing, dinaig pa ako!

Hindi na ako nagsalita, hanggang makarating kami sa village. Tinanong nya saakin kung saan bahay namin at tinuro ko naman ang direction papunta sa bahay namin.

"Jan  lang sa may vios na itim" I said when I saw Luke's vios. Aba! Isa din ito iniwan ako!

As soon as he pulled the handbreak I quickly removed my seatbelts at bago ko pa mabuksan ang pinto ay hinawakan nya ang kamay ko. Nagtataka ko naman syang tinignan.

After 2 minutes I decided to speak dahil 'di rin naman sya nagsasalita. He just keep staring at me. And i'm getting uncomfortable because of it.

"U-uhm, thank you sa paghatid ingat ka" at pilit na binawa ang kamay ko

He let go naman at tipid na tumango, lumabas na ako sa kotse at dali-daling pumasok sa loob ng gate. I heard the car's door closed. Sinilip ko yun at nakalimutan ko pala isarado ang pintuan! Shocks!

Sinisilip ko pa din sya at hindi pa din umaalis ang mustang nya. Tinignan ko ang wristwatch ko at mag sasampung minuto na syang nakapark sa labas. Anong pang ginagawa nya jan!

"Ang sosyal naman ng naghatid sayo ate, naka-mustang pa" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Luke at nakisilip din.

"Ako din patingin" nakisilip na si Kuya Czino at nagulat ako ng tumabi saakin si Dad at sinilip din si Zach.

"Sino yan, anak? Ang ganda naman ng kotse nya. Yan nalang kaya bilhin ko?"
At patuloy padin sila sa pagsilip

Tsk. Mga tsismoso. Pumasok na ako sa loob at sinalubong din ako agad ni Sienna.

Lumuhod ako para magkapantay kami at mayakap sya. "Sienna alam mo ba may crush ako" at hinimas ang ulo nya.

Her tail is wagging kaya nag patuloy ako mag kwento "Kaso ang talino ehh. Tsaka ang yaman, I mean we're rich din naman kaso ibang klase yung yaman nun. He's out of my league I guess?"

If my brothers are here sigurado akong pagtatawanan nila ako dahil kinakausap ko mag-isa ang aso ko. Pero as if I care, bruh.

"Doon pala nag-aaral sila Unique?" Biglang tanong ni Luke pagkapasok sa bahay. Umalis na siguro si Zach

Conquering the Wild Waves (Villaloid Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon