Chapter 17

310 10 8
                                    

Chapter 17

Second day pa nga lang ito na inabot ko. Mga studyante dito parang di naturuan ng magandang asal, hindi lang yun pati ang guro.

Pagpasok ko palang, pintura na agad bumungad saakin. Hindi naman ako paint wall ah, kahapon ginawa akong mixing bowl. Jusmee ano kaya bukas? Maabang nga.

Narinig ko ang tawanan sa loob ng room pero hindi ko ito pinansin. Pati si Ms. Martinez napa ngisi. Siguro kasama siya sa plano na to. But who cares?

Agad akong pumunta sa CR at nagbihis. Syempre nagdala na ako ng pampalit na damit kasi expected ko na na may masamang mangyari ngayon.

Agad akong bumalik sa room. Lahat tumingin sa'kin pero hindi ko sila pinansin. Hindi na din ako bumati pa, bakit pa ba?

Bakit ko sila rerespetuhin kong hindi naman sila ka respeto-respeto.

As usual, ang boring niya mag turo. Nakaka-antok. Tapos ko na itong aralin kaya alam ko na lahat ng itinuro niya.

Time passed by the bell rang.

Hudyat na RECESS na at tapos na ang klase.

Hindi na ako lumabas dahil may dala naman akong chicken sandwich na gawa ko kanina. Yun nalang ang kakainin ko. Lahat sila ay nagsi-alisan na, maliban nalang kay Jane at ang mga alipores niya.

Unti-unti silang lumapit sa'kin habang ako kunwaring nagbabasa ng libro pero ang mga mata ko'y nakatuon sa kanila. Binabasa ang bawat kilos nila. Maybe this time di na ako papayag na apihin nila. Lalaban ako hangga't kaya ko.

Gagawin na nila ata yung binabalak nila ng may biglang tumawag sa'kin galing sa labas.

"ROSE!" Sigaw nito. Sino paba edi si Aimee.

"Buti nalang ligtas ka at walang masamang nangyari sa'yo, tayo ka nga" Ako naman si gaga tumayo at tinignan sila Jane at ang mga alipores niya.

Makikita mo sa mga mata nila ang inis dahil hindi nila nagawa ang binabalak niya. Subukan lang nila hindi ko na sila uurungan. Nag lalakad na sila paalis sa kabilang pintuan sila dumaan. Napangisi naman ako, may araw din kayo saakin.

Habang si Aimee naman ay tinitingnan bawat sulok ng katawan ko maliban nalang syempre sa tinatago ko.

"Hey, ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Para naman kasing tanga.

"Tinitignan ko lang kong may bali ka bang buto o mga gasgas para madala ka namin sa hospital" sabi niya. Ang OA naman nito, hospital agad di pwedeng sa clinic lang.

"Okay lang ako!" Saad ko sa kanya. Tumigil naman siya kakatingin sa'kin.

"Wala silang ginawa sayo?" Curious na tanong niya.

Meron

Sabi ng isip ko, pero ayoko ng gulo lalo na pag narating kila kuya ang nangyari.

"Wala, binalaan na sila ni ate diba?" Saad ko sa kanya. Napahinga naman siya ng maluwag

"Buti naman at walang katarantaduhang ginawa sila sa'yo. Nag aalala talaga kami sa'yo lalo na si Prince, hindi mapakali sa meeting kanina" sabi niya at tinutulungan niya akong niligpit ang gamit ko.

"Tara, punta na tayo sa canteen" Aya niya sa'kin ng matapos na naming maligpit ang mga gamit ko.

"Nako, wag na. Busog na naman ako eh, dito nalang ako" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Hindi pwede, inutusan ako ni Prince na sunduin ka dito. Malalagot ako pag di kita kasama" sabi niya at parang may ginagawa sa phone niya.

"No, pasabi nalang sa kanya na busog pa ako" sabi ko at hindi ko na siya pinansin. Nang marinig ko nalang na may kausap siya sa phone.

"Huh!? Hindi, wala namang nangyari sa kanya................oo..........busog pa daw.............oo..................sige ako na bahala...............okay...........sige bye" sabi niya sa kausap sa telepono

"Dadalhan nalang daw nila tayo ng pagkain dito." Sabi niya.

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Siya naman ay pumunta sa upuan niya at ganun din ang ginagawa.

After 5 minutes dumating din sila kuya. May dala silang snack at binigay samin. Din nagsipuntahan din sila sa upuan nila at nagbabasa sa libro. Ang ganda naman nito lahat kami nag aadvance study.

Unti-unti na ding bumabalik ang mga kaklase ko.

Nagpatuloy ang klase hanggang sa nag-uwian na. Parang normal lang ang nangyari ng biglang lumapit sa'kin si Ms. Martinez at sinampal ako.

"Wala kang hiyang babae ka. Ikaw, ikaw ang may dahilan kong bakit ako na walan ng trabaho" Galit na sabi niya, nabigla naman ako sa sampal niya. Ang sakit sa pisngi. Walang 'yang guro to. Buti nga sa kanya pero mabait ako noh, di ko magagawa yung ibinibintang niya.

"Ano po bang pinagsasabi mo ma'am" Taka kong tanong kasi wala naman talaga akong alam sa sinasabi niya.

"Nag maang-maangan ka pa huh" galit na sabi niya at akmang sasampalin niya ako.

Pumikit na lang ako, kahit gustuhin ko mang lumaban may respeto parin ako sa kanya dahil guro ko siya kahit hindi niya deserve ang respetong ibinibigay ko.

Napapikit nalang ako at hinihintay ang mga kamay niya na dadapo sa mga pisngi ko. Ngunit wala akong naramdaman.

Minulat ko ang aking mata at nakita kong hawak ni kuya ang kamay niya.

"Try to slap her again and you will now what's next" He said in a super duper cold tone.

Pati ako natakot sa boses niya.

Bigla nalang namutla si Ms. Martinez.

"Sorry Prince, hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa emosyon ko" saad ni ma'am at bigla nalang may luhang tumulo sa mga mata niya.

"Patawadin mo naman ako Prince, sabihan mo ang ate mo na wag akong tanggalin sa trabaho. Ito nalang ang tanging bumubuhay saamin" saad nito at umiyak na talaga siya sa harapan namin

Naawa ako sa kanya.

"May sakit ang anak ko, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho" saad pa nito.

Tinignan lang siya ni kuya at nagpatuloy na si kuya sa paglalakad habang hinihila ako. Sumunod naman samin ang dalawa, si Aimee at Nathan.

"Prince please" Habol pa ni Ms. Martinez. Napatigil naman ako dahil naawa ako.

"That's it. Sana man lang hindi ka gumawa ng mga bagay na ikakasira ng reputasyon mo. Rules is rules." Sabi ni kuya at nagpatuloy na ng tuluyan sa paglalakad. Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Ms. Martinez na umiiyak at napaupo nalang sa sahig.

Nakaka-awa man pero deserve niya yan.

Pumasok na kami sa Secret Room. Si kuya ang unang nagbihis at gumamit ng cr. Kaya kinuha ko ang phone ko.

I texted her.

"Can I talk to you?" I asked and hit the send button.

Later on she replied.

She said okay. Kahit naman ganito ako may awa parin ako sa mga taong nasa paligid ko. Sana pagkatapos nito ay magbago ka na sana.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

*******
Author's Note

Hey guyz, that's all for today. Sorry for the late update. I just got busy with my enrollment but I'm still happy kasi nakapag update parin ako ngayong araw.

Rank #287 in Teen Fiction Category na pala tayo guys. Uwuuu thank you talaga sa inyo.

Also thank you for still reading and supporting this story. Lalong lalo na sa mga nag votes. Alam niyo na kong sino kayo. I love you all guys.

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon