Chapter 13

331 10 4
                                        

Chapter 13

Aimee Pov

Hindi ko alam pero ang dami ko talagang nahahalata kila Prince at Rose. Don't Judge me huh, sadyang halata kasi sila pero who am I to judge them diba. At ito pa guys, yung pang-apat na nahahalata ko sa kanila.

*Noong nalaman ni Prince na nauna na si Rose papuntang Room, at ng hindi namin ito nahanap kahit saan siya nagpunta, sunod lang kami ng sunod ni Nathan sa kanya. Alam kong pati siya nagtataka na sa kinikilos ni Prince, kita mo sa mga mata nito ang inis, galit at pag alala na pinakaunang pagkakataon na mababasa at makikita mo sa mukha niya. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkaganito si Prince hanggang nakita nito si Rose sa loob ng Principal Office. And alam niyo ba sunod na nangyari, agad niyang niyakap si Rose at pinapatahan siya, ibang iba na ang Prince na nakilala namin.

I'm not judging sadyang, nababaguhan lang ako sa mga kinikilos niya. Hindi kasi ako sanay na ganito ka soft-hearted si Prince.

Panghuli, ito talaga yung pinaka unbelievable sa lahat. Yung pumayag siyang doon muna si Rose magdodorm sa SR at sa kwarto pa niya ito. Hindi lang ako makapaniwala na pumayag siya eh kami nga ni Nathan, never pang nakapasok doon na matagal na niyang kilala, e si Rose na ngayon lang niya nakilala. Higit sa lahat Tinawag niya si Rose na Princess niya, wahh, at sa ka una unang pagkakataon nasilayan namin ang tunay na ngiti niya, hindi ito fake gaya ng nakasanayan.

_Sino kaba Rose? Binago mo ang buhay ng kaibigan ko? Magkakilala ba kayo? Ang daming tanong sa isip ko.

Pero wag kayo huh, hindi ako galit kay Rose, best friend ko siya at kung tama man ang hinala ko sa kanilang dalawa, Im happy for them, dahil alam kong mabait si Rose at hindi niya sasaktan si Prince.

Ayaw ko lang talagang makitang nasasaktan ang mga kaibigan ko, kaya nag alala rin ako kay Rose ng makita ko siya pagpasok dito. She's a total mess, pero alam niyo bilib ako sa kanya siya na nga ang nabully, doon pa siya sa mga itlog, harina at asukal na sasayangin. Hahaha, kaya nga ako tawa ng tawa kanina akala ko Joke pero seryoso pala siya. Napakamesteryoso niyang tao, pero kahit ganoon mahal ko na siya kahit na ngayon lang kami nagkita.

She maybe weird but you can feel her the true beauty of her hearts.

"Hoy" naramdaman ko nalang na may humampas sa akin, kaya napabalik ako sa realidad.

"Tulala ka dyan?" Tanong ni Rose, wahh di ko na namalayan na nakatulala na pala ako. Kakaisip tungkol sa dalawang tom

"Ahh, wala, tika nasaan na sila?" tanong ko sa kanya, kami nalang kasi ang natira dito at si Ate Joy habang nagsasign sa mga papers sa harapan niya.

"Nauna na, wala pala tayong pasok ngayong hapon dahil mag-aayos raw tayo ng mga gamit natin sa SR at yung ibang estudyante sa kanilang dorm naman, wahh, excited na ako, ano kaya ang itsura ng room ni Prince noh" naiexcite niyang sabi, wahhh, kung wala tong salamin, siguradong ang ganda niya, kasi ang ganda ng mga ngiti niya.

"Ahh, Di ko din alam kong anong itsura ng loob ng kwarto ni Prince, hindi pa naman kami nakapasok doon" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Wahhh, seryoso? Hindi kapa nakapasok doon?" sabi niya ng nakangiti, ang sarap niyang tignan para siyang bata

"So ako palang?" tanong niya kaya tumango ako

"Wahhhhhhh" tumili siya kaya napatawa nalang ako.

She's cute and adorable. Para siyang babasaging vase na dapat hindi mabasag. Ang mga ngiti niya parang kumikinang at parang hindi lang galing sa kakaiyak.

"Shhh, Labas nga kayo ang ingay niyo" sabi ni Ate Joy.

"Sorry ate, okay po alis na kami. Babye po" sabi namin ni Rose na parang kaswal lang sa kanya ang pagkakasabi. Parang sanay na siyang makipag usap dito.

Lumabas na kami at nagsimulang maglakad papunta sa SR, wala naring mga estudyanteng pagalagala dahil nasa kanya kanyang dorm na sila.

"Seryoso kaba talaga na ako palang ang pinakaunang makapasok sa kwarto ni Prince" tanong pa niya, ang kulit niya pero hindi nakakain kundi nakaka-aliw. Waahhhhhh, di ko alam kong bakit ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Oo nga, ikaw pa lang" sabi ko, napangiti nalang ako sa kakulitan niya, kaya pala mukhang nahuhulog na si Prince sa kanya. Dahil hindi naman siya mahirap mahalin, kong hindi lang ako babae nako, matagal ko ng nililigawan to, kahit nerdy look siya, hindi naman yun importante diba basta may mabuting puso hala go na.

Kasi naniniwala ako na ang love ay hindi nakikita sa panlabas na anyo ng isang tao. Kung hindi sa kabutihan ng nasa puso ng isang tao.

"Pero bakit?" tanong pa niya. Hindi ba ito nauubusan ng tanong? Para siyang bata na gusto malaman ang mga bagay bagay.

"Ayaw lang niya na may ibang pumasok doon kaya nakapagtataka na pumayag siya na doon ka muna" nakangiting sabi ko.

Bigla nalang siyang natigilan.

"Ahh, ok" sabi niya.

Napatitig naman ako sa kanya, anong nangyari?

Naglakad nalang kami hanggang nakarating kami sa SR, nadatnan namin ang dalawang lalaki na nag aayos ng mga gamit. Tinulungan na namin sila, sila nag dadala ng mga gamit namin papuntang kwarto, at kami naman ni Rose nag aayos at naglilinis sa sala at sa kusina.

Nagluto narin kami ng aming hapunan pagsapit ng gabi.

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Be a Fan🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon